Loved By The Rules - Kabanata 3

139 1 0
                                    

NAG-INAT pa si Dominic nang magising, pagkuwa’y agad siyang nag-shower at lumabas sa kanyang silid.

Magje-jetski siya sa araw na ito kaya inihanda na niya ang gagamitin.

Nagkape lang siya at lumabas sa resthouse. Pero agad ding natigilan nang masulyapan ang swing na bakal.

May tao! Sino kaya iyon?

Marahan ang ginawang paghakbang ng binata hanggang makalapit sa swing, bahagya pa siyang napapitlag nang makilala ito.

Ang babaeng nagtitinda ng pusit kahapon. Narito na naman pala siya. Siguro ay mag-aalok na naman ng kanyang huling isda, pero mukhang antuk na antok, ah.

Hindi napigilan ng binata ang mapangiti.

Ngiting bihirang sumungaw sa kanyang mga labi dahil sa pagkaseryoso sa buhay.

Napailing ang binata, nahalata din niya ang sarili. Kahapon ay napangiti din siya ng lihim ng babaeng ito. Ngayon ay muli siyang napangiti dahil lang nakita ito sa mahimbing na pagtulog.

Nagiging madalas na yata ang kanyang pagngiti?

Kaya lalong hindi maintindihan ni Dominic kung bakit mas naging magaan ang kanyang pakiramdam ngayong muli itong nakita.

Nalibang siyang titigan ito.

IYONG PAKIRAMDAM na may mga matang nakatitig sa kanya ang naging dahilan para siya maalimpungatan, pabigla siyang nagmulat ng mga mata.

“Ay, g-gising na pala kayo!” napaayos nang upo si Jackie nang makita ang taong sadya sa lugar na iyon.

“Bakit diyan ka natutulog? Anong ginagawa mo rito?” pormal ang mukhang tanong nito.

“Ah, hindi ho ba’t nagpapadala kayo ng isda? May mga nahuli ho kasi ako. K-kaya lang, natutulog pa kayo kanina kaya hinintay ko kayong magising. Baka kasi magalit kayo kapag nasira ang tulog ninyo.”

“Ganoon ba? Nasaan ba ang mga huli mo?”

“Ah, naroon ho sa likuran. K-kukunin ko ho muna at –”

“Ah huwag na, pakigawa na lang at pakilagay sa ref na nasa kusina. Singilin mo na lang ako mamaya, ha?”

“Ah, talaga ho, ba?”

“Oo.” Pagkuwa’y agad na itong tumalikod palayo.

Hay, ang guwapo talaga niya! Mukhang ang bangu-hango. Kaiba talaga siya sa mga taga-amin. Diyos ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, ah. Naku, in love na yata ako sa kanya? Masama ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan.

Nangingiti sa sariling tinungo na niya ang likuran ng resthouse para gawin ang kanyang huling isda. Ginawa niya iyon at inilagay sa ref na nasa kusina.

Pagkuwa’y kumatok siya sa resthouse para maningil.

Umaasa siyang malalaman ang pangalan nito.

Pero kakatok pa lang siya sa pinto ay isang note na ang nakita niyang nakadikit sa pinto.

Nasa ilalim ng paso ang bayad ko, kung kulang pa ay balikan mo na lang bukas. May pinuntahan ako… iyon ang nakalagay sa note.

Ay, nakakainis naman. Hindi man lang ako hinintay.

Kaya laglag ang balikat na nilisan Jackie ang resort na iyon.

“ANO? Gaga ka pala, eh! Bakit mo naman iniilusyon na makikilala ang may-ari ng resort sa ibayo? Alam mo naman na mayaman, iyon, ah. Sira ka talaga!” natatawang wika ng kaibigan ni Jackie na si Rita.

Loved By The Rules  sarah geronimo & gerald anderson (ashrald fan ficiton)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon