Kwek-kwek :) [one shot]

116 3 6
                                    

Dedicated to: Queennie Onde and Elizabeth Po

"Girls, halina kayo! Baka maubusan na naman tayo ng upuan. Alam niyo namang maraming tao dun!" - sigaw ni Winnie

"Una nalang kayo. May meeting pa kasi kami. Susunod ako.."

"Sure ka, Jess ha? Sunod ka kaagad ha?" - sabi ni Chum.

Ako si Jessa Laude. At ito ang buhay naming magkakaibigan. Every 5pm after classes, diretso agad  kami sa aming favorite hang-out; mag-kwentuhan, chikahan, magpalabas ng sama ng loob, magmumuni, mag-asaran at mawawala ba ang kainan? Sa lugar na ito kami pinagtagpo ng tadhana at dito ko rin nakilala ang napakagwapong si...

"Mark, anjan ka pala? Anong ginagawa mo dito?"

"Oo. Kanina pa kita hinintay sa labas. Andito ka lang pala sa library. Hindi ka pa ba uuwi?" - sabi ni Mark.

"Wait. HAH!! 6PM na! Naku, lagot ako sa mga friends ko. Sige, Mark. Pupuntahan ko sina Winnie at Chum."

"Sa kwek-kwekan? Pwede bang sumama?"

"Sure!"

-------------------------------

"Girls, sorry ha. Matagal ako kasi..."

"Don't worry Jess. We understand. May 'MEETING' kayo ng campus heartthrob." - Winnie

"Sit down, Mark. Join us!" - Chum

"Ha? Mark, sure ka? Balita ko, ayaw mo ng itlog"

"You love this food, right. Then I love it, too." :) - Mark

"Uyyyy...Compatible. Jess, ikaw nang bumili ng kwek-kwek tutal ikaw yung late...." - Winnie

"....at gustung-gusto mong ikaw ang palaging bumili. Bakit kaya?" - Chum.

"Paborito ko lang talaga 'to. May problema?"

"Asha-sha. Bumili ka na, dali. Baka, abutin tayo ng umaga." - Winnie.

"Oh, heto na..Kumain na tayo, Mark."

Nagtawanan at nagkulitan kami buong gabi at hindi na namin napansin ang oras. Masaya pa lang kasama si Mark. Akala ko kasi maarte siya kasi siya na ang Mr. Intrams, siya ang Mr. Dreamboy, siya pa ang Mr. Suave 2012. Siya na! The best siya! Sana makasabay pa namin siya sa kwek-kwekan.

---------------------------------------------

"Grabe! Ang gwapo niya.."

"Sino Jess? Si Mark? Ah, oo! Gwapo nga! Ang swerte mo naman at ikaw pa ang nilaanan niya ng oras."

"Huwag kang mainggit Winnie. Ganyan talaga ang kaibigan nating si Jess...Swerte! HAHAHAHA"

"Kayo talaga.. inaasar niyo naman ako.. Iba ang type ko noh.."

"Asuuus. Nagpapalusot ka pah?!"

"Tara na! It's almost 6pm."

....................................................................................

"Hi Jess! Pwede bang sumabay ulit sa inyo?" tanong ni Mark.

"Uy, Jess.. Wag na wag kang tatanggi..." pabulong na sabi ni Winnie.

"Oo ba! Tara!"

"Ikaw na naman ang bibili Jess? Hindi ba awkward para sa ganda mong yan na makipag-usap sa tinderong pangit na yun?!" - Chum

"Uy! Wag kang ganyan. Hindi nasusukat sa panlabas na anyo ang kagandahan ng isang tao. "

"Haaay naku. Nag-drama na naman. Pasensya ka na Mark ha? Ganito talaga ang kaibigan namin.. Hookworm kasi yan-este-Bookworm.." malumanay na sabi ni Winnie na pilit dumidikit kay Mark.

 "Oo nga pala, girls. May aaminin ako sa inyo....BAKLA AKO." sabi ni Mark.

"Goooosh! Really?!"

"Are you sure!?!"

"Ang gwapo mong yan, bak-bak..."

"Diba champion ka sa mga pageants sa school natin??"

"Di ba nakipagclose ka samin dahil gusto mong kasama si Jessa?!"

"Joke lang yan, diba?"

"Mark, naman oh, wag kang magbiro ng ganyan.."

Sabay-sabay na sabi ng dalawa.

"Jess, parang kalmado ka lang ah? Hindi ka ba nagugulat?!?!" - tanong ni Winnie.

"Ba't naman ako magugulat?"

"Don't tell me--" -Winnie

"YES. Alam ko. Noong una pa.."

"Ba--bakit di mo sinabi? Paano mo nalaman?" paputol-putol na tanong ni Chum.

"Dahil magpinsan kami. At gusto ni Jess na humingi ng advice sakin para maging close sa guy na yun.." - sabat ni Mark at ininguso ang tinutukoy niyang lalaki...ang tindero ng kwek-kwek.

END

..........................................................................................................................

Hope you enjoyed reading.

Some parts of this story are based from first-hand accounts. :D

Like.Comment.Vote.and Be a Fan.

You may read my other write-ups. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwek-kwek :) [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon