Chapter 2

86 1 0
                                    



Patrick's POV:

"Guys! tara na. Hinahanap na tayo patrick!" Ella.

"Wow takas!" Seth.

"Chismoso ka lang!" Ella, sabay belat.

"Sige na, magpapahinga na rin ako. May jetlag pa ako" Tammy.

"Tara, tambay muna kami kay JC" Les.

"Sama ka Tams?" Kats.

"Ilibing kaya kita?!" Tammy.

Malakas talaga mang-asar yung tatlong yun eh kaya nasasanay na kami sa kanila. Hinatid na namin sila hanggang sa kami na lang natira ni Ella. Gusto ko siyang tanongin tungkol sa huling tanong sa kanya ni Tammy, kaso natatakot ako sa magiging sagot niya.

*********

Nakarating na kami sa bahay nila Ella. Dito kasi icecelebrate ang Wedding Anniv. ng Parents niya.

"Hi Ma! Hi Pa! Happy Anniversary sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo." Ella.

"Naks! Andrama ng anak ko" Tita Min.

"Ano naman kasi ang madrama sa sinabi ko ma?" Ella.

"OA lang talaga yang mommy mo 'nak" Tito Ted.

"Patrick! andyan ka pala. Andun mama sa loob" Tita.

"Sige tita, pupuntahan ko siya. Happy Anniversary sa inyo. More to come po at pagpatuloy niyo lang sweetness niyo! Hahaha" Ako.

"Eh mas madrama ka pa kay Ella eh" Tita.

"Hahaha. Nahawaan lang po ako ng anak niyo." Ako.

"Ayy ang kapal. Dun ka na nga" Ella.

"Sige, tita, tito puntahan ko muna si Mama. Bye" Ako.

Naglakad na ako patungo kay mama.

"Uy nak! asan si Ella?" Mama.

"Andun kila tito't tita" Ako.

"Ahh" Mama.



Ella's POV:

"Sige na ma, puntahan ko na sina tita Karla at patrick. Entertain niyo na po ang ibang bisita niyo diyan. Bye!" Ako.

Actually, hindi pa ako pupunta kina Patrick sa loob. Pumunta ako ng Garden. Napag-isipan ko ang tinanong ni Tammy kanina.

Given the chance to go back, mas pipiliin ko bang ituwid yung pagkakamali ko? o hayaan na? Kung itutuwid ko, siguro kami pa rin hanggang ngayon. Pero kung hindi, ganito kami. Masaya naman ako na ganito kami, pero kasi.. kahit dalawang taon na yun, Mahal ko pa rin siya. Kaso natatakot akong saktan uli siya at tuluyan nang mawala saken.



Patrick's POV:

Asan na ba si Ella? ang tagal naman nun! Nakita ko na sina tito dito pero hindi naman nila kasama.

"Ma wait lang, hanapin ko muna si Ella" Ako.

"Sige" Mama.

Lumabas ako at nakita kong may tao sa garden nila, sino naman kaya yun? Tiningnan ko, si Ella pala.

"Psst! Anong ginagawa mo dito?" Ako.

"Nagpapahangin" Ella.

"Aircon naman dun" Ako.

"Sawa na ako sa Aircon, gusto ko fresh air" Ella.

"Uhm.. Ella, may gusto akong itanong"

"Ano?"

"Promise ka muna na wag kang magagalit"

"Okay, promise"

"Kung sakali mang may time ka kanina, anong isasagot mo sa tanong ni Tammy?"

"Y-yun? Ano.. uhm.. eh kasi.. ARAY! Anobayan! andaming lamok. Pasok muna tayo Patrick"

Ano ba yan, masydong inggetero yung lamok na yun! Pumasok kami sa loob.

"Ella! andyan ka pala. Patrick, excuse muna ha.. hiramin ko muna si Ella" Tita.

"Sige tita. Take your time" Ako.

"Hanapin na lang kita patrick mamaya. bye!" Ella.

Bubalik na ako kay mama.

"Oh? nakita mo na siya?" Mama.

"Opo. Kinuha agad ni Tita" Ako

*********

After ng party, Nakita ko si Ella sa may garden ulit. Nilapitan ko siya..

"Ella.."




Ella's POV:

"Ella.."


Ayan na si Patrick! Sabi ko naman eh.. hindi titigil yan kapag hindi mo sinasagot eh.

"Hmmm?" Ako.

Eh ano ba isasagot ko? Yes or No? A or B? Argh! Kakastress!!!!

"Ahm.. wala pala" Patrick.

Tss.. lam kong nahihiya lang siya o natatakot.

"Patrick, masaya ako kung anong meron tayo ngayon. Bestfriends forever. Hindi natin nasasaktan ang puso't dadamin ng isa't-isa. Kaso, kung itutuwid ko ang dati, siguro hindi tayo ganito ngayon. Maaaring masaktan natin ang isa't-isa.. pero ang mas mahalaga, nagmamahalan tayo. Kaya kung bibigyan ako ng time, itatama ko ang pagkakamali ko. Masaya man ako ngayon, alam kong may ikakasaya pa ito.." Ako.

.. mahal pa rin kita Patrick.

"What do you mean by that?" Patrick.

"Ma-------"

"PATRICK!"

Hindi natapos ang sasabihin ko kasi biglang sumigaw si tita Karla. Siguro, eto ang sinasabi nilang sign, sign na wag na munang sabihin kay Patrick.



=================================

My Ex-bestfriend [KathNiel Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon