Chapter 40

4K 220 28
                                    

~Ella POV~

*Morning*

Ngayong araw ay balikan na sa school.

Hayst!

"Mom alis na ako!" paalam ko kay mom.

"Hatid na kita sweetie" sabi nito sabay kuha ng susi.

"No mom it's okay" sabi ko naman.

"Sure kaba?" panigurado nito kaya tumango ako.

Lumabas na ako ng at nakita ko agad si Carl na naghihintay sa labas ng gate.

"Good morning" nakangiting sabi nito sakin ng makita niya ako

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayu oh" sabi nito.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Pumara na kami ni Carl ng Taxi.

*School*

Ng makarating kami ay pinagbubulongan kami ng mga students na madadaanan namin.

"Bakit sila magkasama?"
"Gf ba niya yung girl?"
"Bagay naman sila eh"
"Panget naman niya"
"Puti lang nagdala sa ganda niya"
"Ewws"

Problema ba nila??

Inggit ba kayu??.

Edi sayu na

Nasa hallway kami ng makita ko si Carlen kasama yung mga tuta niya.

Hindi ko nalang pinansin baka ano pa magawa ko.

"Ew nadali na nga si Jack, naghanap pa ng iba hahaha iba talaga nagagawa ng malandi" sabi ni Carlen ng madumaan kami sa harapan nila.

"Don't mind them" bulong sakin ni Carl.

Ngumiti ako saka huminto.

Hinarap ko sila.

Lumapit ako habang nakangiti sa kanila.

"Alam mo kung gusto mo ng gulo sabihin mo lang sakin kase everytime pwede kitang patulan hahahaha hindi yung nagpaparinig kapa" sabi ko kay Carlen habang tingin sa kanya ng mula ulo hanggang paa.

"Bakit natamaan kaba?" mataray na tanong nito sakin.

Ngumisi ako dahil sa sinabi niya

"Nakailag pa naman ako" nakakaasar na sabi ko.

"Ella tara na" sabi ni Carl sabay hawak sa braso ko pero hindi ko ito pinansin.

"Ganyan na ba kakati yan para pagsabayin mo silang dalawa hahaha" sabi ni Carlen.

"Bakit na iinggit ka?" nakangising sabi nito sakin.

"EY ELLA!!" napatingin naman ako dahil tinawag ang pangalan ko at walang iba kundi si Jack.

Lumapit ito samin.

"Hi Jack" sabi ni Carlen pero hindi siya pinansin ni Jack.

Tumingin ako kay Carlen sabay ngiti ng nakakaasar.

"Bye mauna na ako dahil may gagawin pa kaming tatlo" mapang asar na sabi sabay talikod.

Maglalakad na sana ako ng magsalita siya.

"You bitch!" sabi nito sabay L sign.

Humarap ako sa kanya.

"What did you say!?" tanong ko sa kanya.

Ms. Trouble Meet Mr. Gangster Where stories live. Discover now