Prolouge

9 1 0
                                    

PROLOUGE

"BAKIT mo sakin to ginawa?!! Pinagmukha mo kong tanga!!" galit na sabi ng babae sa lalake

"Diba sabi ko hindi na kita mahal at hindi kita minahal." walang emosyong sabi ng lalake

"Sabihin mo na hindi totoo ang mga sinasabi mo! Alam mo na Mahal kita, pero bakit? Bakit mo nagawa?" sabi ng babae na may luha sa kanyang mga Mata.

Hindi niya mapigilan ang patuloy na umaagos na luha sa mga Mata niya. Dahil masakit ang mga salita na binitawan ng lalake sa kanya.

"Totoo ang mga sinabi ko, ikaw lang naman ang nagmahal hindi ako, kaya tumigil tigil ka na dyan sa kakaiyak mo, huwag kang assumera" sabay alis ng lalake

Tiningnan nalang ng babae ang pigura ng lalake na umaalis sa harapan niya. Hindi niya mapigilan ang pagluha niya. At kasabay ng pagluha niya ay siya ring pagpatak ng mga ulan.
Na parang inaalo siya nito at parang sinasabi na nandito lang ako, walang makakakita ng mga pag iyak mo.

Hanggang sa may lumapit sa babae na may dalang payong..

"Sabi ko naman sayo eh, ako nalang sana minahal mo para hindi ka na lumuluha ng ganito" sabi ng isang lalake habang yakap yakap ang babae.

~~~~~~~~~~~~~
Hi guys!! This is my first story so I hope you like it and read it until the end. Sana magustuhan niyo man lang, kahit ngayon lang ako nagsulat ng story dito sa wattpad. Silent reader kasi ako dito sa wattpad, kaya naisipan ko rin na gumawa ng story. Dahil na rin yata sa Quarantine dahil may pandemic ngayon, kaya naisipan kong gumawa. Alam Kong maikli lang yung prolouge, pero susubukan ko naman na habaan sa susunod na nga chapter. So you must read this story until the end guyss!!

Please Vote and Share

Thank Youu~~

-RozenLight

Waiting in the RainWhere stories live. Discover now