N

13K 637 101
                                    

Sumubok akong lumimot. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko para makakita ng iba. Sinubukan kong magkacrush sa iba at magkagusto sa mas gwapo sa'yo. I know, pathetic. But I was desperate to fall out of love.

I was desperate to forget.

But I was failing miserably.

Sabi nila, if you can't beat them, join them. Sa kaso ko, if I can't forget you, then I'll stay by your side. Kaya heto ako, nagpakatanga at nakipagchat na naman sa'yo. Masasaktan ako, pero nakipag-usap pa rin ako. Mababaliw ako, pero hinayaan ko.

Baliw na ako sa'yo eh, ano pa bang mangyayari kung kausapin kita?

Mas mababaliw.

Hindi ko alam kung gago ka ba o nung bumagyo at bumaha ng kamanhiran, ikaw 'yung nagpaulan. Mastermind ka ata ng 'manhid clan' at talaga namang jinojoke mo pa ang feelings ko para sa'yo.

Oo, tumatawa ako. Oo, nakikijoin ako sa paglalaro ng 'feelings' ko para sa'yo. Hindi ko alam kung ano bang trip mo at gustong gusto mo ata na magkagusto ako sa'yo. Gustong gusto mo atang ipamukha sa akin na ang gwapo mo at ang bait mo. Kulang na lang kumanta ako ng Neseye ne eng lehet para kumpleto na.

Pati kasi ako, nasa'yo na.

Shutanginames!

But you know what, bro? Sinubukan ko talagang kalimutan ka. Sinubukan kong mainis para hindi na ako masanay na kausap ka. Hinanap ko ang lahat ng butas sa pagkatao mo. Hinanap ko ang mga katangian mong kaiinisan ko. Hindi naman ako nabigo, may nahanap ako.

1. Bwisit ka.

2. Tamad ka.

3. Tanga ka.

4. Paksyet ka.

5. Walangya ka.

Ang dami, hindi ba? Asar na asar ako sa'yo - pero madalas, nagigising ako sa realization na nung nagpaulan ng pagkatanga, ako ang Goddess ng katangahan. Kahit kasi 'yung flaws mo, minahal ko. Tanga ko ba? Sorry.

Maganda lang.

Habang naglalaslas ng noo sa pagkamiserable habang ikaw ay enjoy na enjoy sa mga babae mo, may nagchat sa akin sa wechat. At first, hindi ko pinapansin 'yung nagchachat. He called himself Mosh. And what he said made me stop and think for awhile. 

"I'll help you move on."

Hindi na ako nakatanggi pa.

~ ~ ~

NOTE: Click external link to read the other side of the story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seren | CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon