EPISODE 5: HEARTBREAK

7K 116 3
                                    

#TheMalditoMan

EPISODE 5: HEARTBREAK


ELLYSE MARIE ROMANO'S POV:


  "BES!" mahigpit na yakap ang sinalubong ni Alona sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng flower shop. Matinding pag-aalala para sa akin ang mababanaag sa mukha nito.

  Kaagad ring bumitaw si Alona sa pagyakap sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at tiningnan ako na puno ng pag-aalala ang mga mata.

  "Anong nangyari sayo? Mabuti naman nakauwi ka ng buhay dito. May ginawa ba ang mga men in black na yun sayo? Paano ka nakatakas sa kanila? Sinaktan ka ba nila? Ginalaw? Ano...." Sunod-sunod na tanong ni Alona na kulang na lang ay maghesterikal siya.

  "Bes! Kalma lang ok? Baka magka-nervous breakdown ka diyan.!" Natatawa kongsabi at pinigilan siya sa pag-alog sa akin. Grabe. Alam niyo ba na nahilo ako sa pag-alog sa akin ni Alona?  Alam ko naman na nag-aalala lang sa akin si Alona pero hindi ba masyadong may pagka-OA ang pag-aalala niya? Ewan, tingin ko lang naman.

  "Paano akong kakalma kung ang bes ko'y dinukot ng mga men in black na wala man lang kadahilanan? Paano akong hindi mag-aalala kung ang daming pumapasok sa isip ko na baka may nangyari sayo na hindi maganda? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba? Kapatid kaya kita..." sabi ni Alona na parang maiiyak pa.

  Niyakap ko bigla si Alona. mapalad ako na nagkaroon ako ng isang kaibigan at kapatid na gaya niya. At least, kahit wala na si Mama at Papa, may isang Alona pa rin na nandyan at itinuturing namin ang isa't-isa bilang magkaibigan at kapatid.

  "Ok lang ako. Tingnan mo nga ako... mukha bang may nangyari sa aking masama." Sabi ko at bumitaw na ako sa pagyakap kay Alona. Tiningnan ko si Alona sa kanyang mga mata.

  Nakita ko naman na kumalma na si Alona. Napangiti tuloy ako.

  "Mukha ngang ok ka at walang nangyaring masama sayo..." sabi ni Alona. "Pero bes, paano ka nga ba nakatakas sa mga men in black na iyon? Alam mo ba na nagsumbong pa ako sa mga pulis para ipahananap ka nila." Sabi ni Alona.

  "It's a long story Alona. At saka, actually hindi naman ako tumakas sa mga men in black na iyon. Ang totoo niyan, sila ang naghatid sa akin pabalik dito." Sabi ko. Totoo naman, sila ang naghatid sa akin dito pagkatapos namin mag-usap ni Mommy Ji.

  Kumunot ang noo ni Alona at nagtataka ang tingin sa akin. "Ang mga men in black pa ang naghatid sayo dito? Eh mga gago pala iyon eh! Anong motibo nila sa pagdukot sayo?" tanong ni Alona.

  Bumuntong-hininga ako. Kailangan rin naman ni Alona na malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa akin.

  "Hayaan mo, ikekwento ko sayo. Maupo muna tayo at baka mangawit ang mga paa mo sa haba ng kwento ko." Sabi ko at nauna na akong naglakad papunta sa isang upuan at doon ay naupo. Sumunod naman sa akin si Alona. Magkatapat na tuloy kami na nakaupo sa isang pandalawahang mesa.

  "Ganito kasi iyon..." sabi ko at nagsimulang ikwento na nag mga nangyari kay Alona....

  AFTER NG KWENTO KO...


  "Grabe bes! Hindi ko akalain na bestfriend pala ng mama mo si Ma'am Ji. May mayaman pala siyang bestfriend. Biruin mo, may-ari ng Del Pierro Group of Companies ang bestfriend niya. At talagang ipinadukot ka pa niya para lang makausap ka." Sabi ni Alona sa tonong hindi makapaniwala.

The MALDITO Man COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now