CH3

60 2 0
                                    

"Ba't ngayon ka lang ha? Hindi ba at kabilin bilinan ko na hindi ka pwedeng gabihin? o kaya naman magtext ka kung sakali?" Sermon ang inabot ko kay mommy pag-uwi ko. lintik na lalaki kasing yun eh. hindi sana ako inabutan ng traffic kung hindi siya umepal kanina. Hindi naman ako pwede magtext sa jeep kasi natatakot akong ilabas ang cellphone ko at ang babala sakin nila mama ay baka maholdap daw ako.

"Ma, Sorry na.." Paglalambing ko. wala naman akong maidahilan kasi baka malaman ni mama na may kasama ako kaninang lalaki. nako.. sa labas ako ng bahay matutulog kasama ng aso namin.

"Sinasabi ko sayo Ivy ha? nako. Pag naulit pa ito, malilintikan ka na talaga saakin" Bigla nalang nagiba ang timpla ng mukha ni mama "Oh Kain na dun. nakahanda na hapunan. hihintayin ko pa ang papa mo, sabay na kami." Niyakap ko nalang si mama atyaka dumiretso sa kusina.

Patalon akong dumapa sa kama ko ng matapos ko na ang assignment ko. Naalala ko yung kanina. Bwiset na lalaki talaga yun. Pero speaking of lalaki, hindi ko pa pala alam pangalan nun. Grabe lang ha! Nakapag-usap na kami, nalait nya na ko pero hindi ko pa pala siya kilala.

Bigla ko namang naalala yung babes-babes niya sa cellphone ko. Pag-open ko nung message--inobserbahan ko lang. Teka? bakit hindi manlang siya nagpakilala dito. yung tipong..

'Hi eto pala si blah blah blah' o kaya 'uy si ano to naki-text lang ako'

yung ganun? "Hay! bahala nga siya sa buhay niya" medyo pabulong kong sabi atyaka nilagay yung cellphone ko sa ilalim ng unan at kinuha ko ang bag ko atyaka nilabas ang paper bag na bigay sakin kanina. 

Nilabas ko ang laman ng paper bag atyaka binuksan yung regalo niya saaken. Headband. Napangiti ako kasi ang cute lang atyaka nilagay iyon sa isang drawer na malapit na mangalahati. lahat yon bigay niya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako atyaka humiga at pinilit na makatulog.

"Ma'am naman! busy din po ako." Kulang nalang talaga lumuhod pa ko para hindi na ako ang gawing tour guide ni hayup na lalaking yun!

"No more excuses Ivy." Konti nalang! konti nalang bibigay na si ma'am "W-wait!" Sigaw ni ma'am sakin kasi luluhod na talaga dapat ako while wearing my puppy eyes. lumapit yung babae atyaka may binulong kay ma'am kaya napabuntong hininga siya.

"Here's the deal Ms.Orquia, may plus ka this coming periodic exam kapag pumayag ka na.." Napasimangot ako "IN ALL SUBJECTS" Dagdag pa ni ma'am

Napaisip ako sa sinabi niya. Graduating na kasi kami. If ever man ay kakailanganin ko yun para maging mataas ang marka ko. Pag may plus ako at nagreview ako tapos ako ang nakakuha ng pinakamataas may possible na maging rank 1 ako. may usapan kasi kami ng tito ko na nasa america na kapag naging rank 1 ako sa klase. kukunin niya ko para sa america ako mag-aral.

"Nakapag-isip ka na ba Ms.Orquia?" Napalingon ako sa teacher ko.Para sa pangarap ko huminga ako ng malalim at tumango, "Sige ho ma'am. Payag na ko"

Lumabas na ako ng faculty at pupunta kay mongoloid para i-tour na siya habang pinipilit ngumiti. Kaya yan Ivy. para yan sa pangarap mo!

 "Goodafternoon" He greeted pagkapasok ko. Kahit na hindi ko siya tinitignan alam kong nakasmirk ang loko. Inayos ko lang ang gamit ko at tuloy tuloy na lumabas. hayaan mo siya. susunod naman yun eh.

"Ivy"

 Napaatras ako ng konti dahil sa sa sobrang lapit ng isang malambot na bagay sa mukha ko at dahil narin sa pagkabigla. nilingon ko ang may hawak nang teddy bear. "Uy! Dylan." Bigla naman akong nailang when i realized na si Dylan pala 'to.

Chasing Heartache (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon