III. Giver of Life

34.8K 1.1K 36
                                    

III. Giver of Life

Matagal akong tumitig sa kanya at hinayaan ang aking sarili na ipasok lahat sa aking isipan ang kanyang sinabi. Kahit ano talagang gawin ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Akala ko ay tanging ang pagiging somnambulist ko lang ang weird pero pati ang paligid ko ngayon ay weird na. Pero hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa kanya. Ngayon, makakatakas na ako sa sarili kong mundo na walang tumatanggap sa akin na kahit sino. Para bang ang sarili kong mundo ay nirereject ako. Naisip kong baka dito ako nababagay.

“Bilyon-bilyon ang taong nakatira sa aming mundo pero bakit ako ang napili ninyo?” tanong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa malayo. “Simula pa noon ay ang mga Faux na ang nagbibigay ng buhay sa aming lahat. Kada isangdaang taon ay may isang Faux ang dinadala nila dito para mapanatiling buhay ang punong ito.” Hinawakan niya ang malaking puno at umilaw ng kaunti ang katawan nito na para bang binabati siya. “Ang totoo niyan, hindi dapat ikaw ang mapupunta dito kundi ang iyong ina.”

Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Pero…” hindi ko na itinuloy ang tanong ko sa kanya. “Namatay siya kaya hindi siya nakapunta dito.”

Tumango siya sa aking sinabi. “At isa pa, tutol ang iyong ama sa pagpunta niya dito. Natatakot siya na baka hindi na bumalik pa ang iyong ina sa kanya kaya naman kahit na ayaw niya, mas minabuti niyang ilayo ang iyong ina para hindi siya mapunta dito.”

Hindi ako kaagad nakapagsalita sa sinabi niya. Labing-dalawang taong gulang ako nang mawalan ako ng mga magulang. Ang natatandaan ko lang ay nag-aaway sila Mama at Papa nang mga panahong iyon bago sila umalis sakay ang aming kotse. Ni hindi na nila nagawa pang magpaalam sa akin. Ang tanging natatandaan ko na huling pagkakataon na nakasama ko sila ay nang sabay-sabay kaming kumain nang gabing iyon. At kinaumagahan, nalaman ko na lang na namatay sila sa isang aksidente.

Dahil doon, napagtagpi-tagpi ko ang lahat.

“Kaya nag-aaway sina Mama at Papa noon ay dahil sa bagay na ito. Pinilit ni Papa si Mama na sumama sa kanya na hindi man lang iniisip kung anong pwedeng mangyari.” sabi ko sa kanya. “Pero gusto ba ni Mama na pumunta dito?”

“Hindi ko alam. Sa tingin ko ay ayaw niya dahil ayaw niya din naman kayong iwan kaso nakokonsensya siya. Hindi niya kayang hayaan na lamang na mamatay ang libo-libong nilalang na naninirahan sa mundo namin.”

“Ano bang kapalit nang pagpunta niya dito? Pwede pa naman siyang bumalik, hindi ba?”

“Oo, pwede pa siyang bumalik ngunit habang pagtagal ay magiging parte na siya ng punong ito.”

Sabay kaming tumingin sa puno na para bang nanghihina. Para bang nauubusan na ito ng lakas at kahit anong oras ay malalanta na siya na parang isang halaman na ilang araw na hindi nadidiligan at nasisinagan ng araw.

“Ilang buwan lang ang pwede niyang itagal sa aming mundo at sa inyong mundo at kapag natapos na ang kanyang oras ay magiging isa sila ng puno. Ang pagtigil niya dito ay nagbibigay ng suporta sa puno ngunit para masigurado ang pagiging matibay nito ay kailangan niyang maging ang puno mismo.”

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Papa na pumunta dito si Mama dahil alam niyang mawawala si Mama sa kanya. Napangiti na lang ako sa aking sarili. Mabuti na din na nangyari ang lahat ng iyon at least magkasama na silang dalawa.

Tumingin ako sa kalangitan. Mama, Papa, sana hindi na kayo nag-aalala sa akin. At Mama, ako na ang gagawa ng mga bagay na hindi mo nagawa para sa kanila. Wala na din namang mag-aantay sa akin sa sarili nating mundo kaya mas mabuting dito na lang ako para gawin ang bagay na dapat ikaw ang gumawa noon.

The SomnambulistWhere stories live. Discover now