Four

281 7 0
                                    

Abigail's POV

"Girls!" Bati ko sa kanila. Ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Abby, late ka na naman ah?" -Stella

"Hinatid kasi ako ni Kuya eh alam niyo naman yun. Over protective."

"Tara na 7:45 na magsisimula na yung class. See you later sa recess." -Sophia

"See you!" -Ashley

"See you guys!"

Naghiwahiwalay na kami at ako naman ay dumeretso na sa room ko which is katapat lang din ng room nina Ashley.

"Good morning class! I'm Mrs. Evangeline Salazar, your class adviser. So since first day and wala pa naman tayong gagawin, please introduce yourselves dito sa harapan. State your name, age, where do you live, your parents and yung kukuhanin niyong course. So let's start."

Sabi na hindi to mawawala eh. Argh nakakainis! Buti nalang talaga mukha akong presentable. Ang  cute ko lang...

Nagsimula na ang mga kaklase ko na magpakilala sa harap. Since nasa last row ako,  kahulihan pa ako...

"Sorry ma'am i'm late."

"Its okay. Sit beside her. Yung nakapurple sa last row."

Ako yun ah. Anong meron? Bakit narinig ko yunh pangalan ko? Bigla nalang may umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Hi." sabi niya.

"Hell-" ay talagang hell nga.

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

"Is there something wrong between you two?" -Ma'am Evangeline

"Nothing Ma'am."

Ugh! Kilala niyo yung katabi ko?! Katabi ko lang naman yung lalaking nakabunggo sa akin sa mall. Sana iarrange pa yung upuan ayaw ko siya katabi.

Tapos na magpakilala yung mga kaklase ko at yung katabi ko naman ang pupunta sa harap para magpakilala.

"Good morning. I'm Grayson Blake Ricaforte. Well actually, i don't need to mention who i am kasi kilala niyo na naman siguro ako pero sige. Since may mga transferee, magpapakilala ako. Again, i am Grayson Blake Ricaforte, Gray for short. 17 years old. And I'm from Winston Valley Village. My parents, Dad is the principal of this University while my Mom is fashion designer sa Los Angeles and i'm planning to be a Lawyer someday. Thats it."

Napanganga ako sa narinig ko about sa mga magulang niya. Sobrang yaman nila panigurado ako. Sana all. At gusto niya din maging lawyer? Psh gaya gaya.

"Your turn." -Turo sa akin ni Ma'am Evangeline.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at bago pa ako lumakad ay tinisod na agad ako ni Gray. Tumingin siya sa mata ko at ngumisi na para bang nangaasar.

"Good morning everyone. I'm Abigail Maureen Cruz, Abby for short. I'm just sixteen years old and i'm from Lara Hill Subdivision. And i'm also planning to be a lawyer someday."

"Abby, your parents?"

Napayuko ako dahil kailangan nga pala banggitin yung tungkol sa mga magulang ko.

"Ms. Abby, the clock is ticking."

"Can we please not talk about them? I'm not comfortable."

"But its unfair Ms. Abby."

"Please ma'am."

"Baka naman kasi kriminal yung nanay o kaya yung tatay niya." sabi ng kaklase ko

"Baka wala siyang magulang." -kaklase

"Baka ikinahihiya niya yung magulang niya. Kawawa naman." -kaklase

Oo ikinakahiya ko talaga ang mga magulang ko sa pagiging iresponsable nila. Hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata.

"Ms. Abby are you alright?"

"Ma'am, can i go to the restroom? Saglit lang po. Give me 5 minutes."

"Oh okay sure."

Pumasok muna ako sa isang cubicle tsaka ko ibinuhos ang pagiyak ko. Tama yung isa kong kaklase. Ang totoo nga niyan, pinagsisisihan ko na sila yung naging magulang ko.

Pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa classroom. Tiningnan ako ng buong klase lalo na nung tatlong babae na nagsalita kanina about sa mga magulang ko. Bakit ba ang sasama ng tingin nila sa akin eh wala naman akong ginagawa. Bahala nga sila. Wala akong oras sa pagtataray nila.

"Abby?"

"Oh bakit?"

"I'm Gray nga pala."

"Alam ko."

"Bakit ayaw mo sabihin yung tungkol sa parents mo? Curious lang ako. Wala ka bang parents."

"Meron akong magulang."

"Oh meron pala eh. Baka kinakahiya mo sila kasi kinakahiya ka din nila hahaha kawawa ka naman."

"Wala kang karapatang magsalita tungkol sa pamilya ko lalo na't wala kang alam!"

Tinalikuran ko siya at hinintay nalang na matapos ang first to third period para makaalis na. Hindi ko kinakaya ang mga pangyayari ngayon. Ano nga bang pakealam nila kung ayaw ko sabihin yung family background ko? Magkakapera ba sila kapag binanggit ko yung tungkol sa mga magulang ko? Hindi naman diba. Grabe makahusga ang mga tao.

The Boy Who Can't Be FixedWhere stories live. Discover now