CHAPTER 12

448 29 5
                                    

“THANK YOU.”

Pagkatapos kong mag pasalamat ay lumabas na si Santiago. Gabi na rin kasi at paniguradong hinahanap na siya ng kanyang mga magulang.

Napatingin ako kay Eros at sa kanyang tuhod na may benda. Nahagip daw kasi ito ng motor at saktong nakita ni Santiago kaya tinulongan niya hanggang ihatid sa bahay.

'Tsaka niya nalaman na kapatid ko pala ito. Una, ako yung hinatid niya nang gabihin ako umuwi. Ngayon ay ang kapatid ko naman.

“Kumain ka na, Eros?”

“Yeah, bumili si Idol ng pagkain sa labas kanina,” sagot niya habang 'di inaalis ang tingin sa kanyang cellphone.

Napataas ang kilay ko dahil sa sagot niya, “Idol?”

Tumingin sa akin si Eros.

“Di ba siya 'yong magaling mag basketball?” Aniya. “Makikipaglaro nga sana ako kaso may sugat ang tuhod ko kaya next time na lang daw.” Dagdag pa niya.

“Next time?”

“Yeah, babalik daw siya 'pag wala na akong sugat tapos maglalaro kami!” Malawak ang ngiti ni Eros.

Napangiti na rin ako dahil kay Eros. Simula kasi no'ng namatay ang aming ama ay bihira nang ngumiti si Eros kaya ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga ngiti.

“Matulog ka na, anong oras na oh,” napatingin ako sa wall clock at nakitang alas dies na nang gabi.

“Hmp, sabado naman bukas,” reklamo nito at nag patuloy sa kanyang ginagawa.

Wala na akong nagawa kundi hayaan ito sa kanyang ginagawa. Pumasok na ako sa kwarto ko para makapag pahinga.

Sobrang sakit ng katawan ko kaya bagsak agad ako sa kama. Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko na nasa bag.

May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag ng gan'tong oras nang gabi? Tinatamad kong kinuha ang phone sa bag.

Napatingin ako sa screen ng aking phone para malaman kung sino ang tumatawag. Walang pangalan, number lang na hindi pamilyar.

Sino naman kaya 'to? Baka wrong call lang. Sinagot ko pa rin ang tawag.

“Hello?”

Walang sumagot, “Hello, sino 'to?” ulit ko.

Wala pa rin sumasagot, tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko. Sino 'tong tumatawag?

“Hi.”

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. Lalaki ito at baritono ang boses.

“Sino ka? Wrong call ka po ata.”

“Vanessa...”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Bakit niya alam ang pangalan ko?

Baka scammer 'to.

Pinakalma ko ang aking sarili bago magsalita ulit, “Hindi ako si Vanessa, wrong call ka po,” may pagkairita sa boses ko.

“What? You're kidding...” he said, “Hindi mo ako maloloko, tsk.” dagdag pa niya.

Natutop ko ang aking bibig nang maisip na parang pamilyar ang kanyang boses. “Sino ka nga!?” tumaas na ang boses ko dahil sa inis.

Nakapag pahinga na sana ako kung hindi ko sinayang ang oras sa lalaking itong tumawag ng gantong oras nang gabi.

“Mark Tristan Santiago.”

Embrace Of Night Where stories live. Discover now