Chapter 3

12 1 0
                                    

Jaezielle POV

Bakit ba may mga taong pinanganak na madaldal ?

"Ang daldal mo " kanina pa siya putak ng putak

"Hindi kaya ako madaldal, sadyang marunong lang talaga akong mag share sa nararamdaman ko. "

"Di ko tinatanong"

"Ehh?! sabi mo kaya madaldal ako" nag tanong ba ko ? Shet.

Hindi ko nalang siya sinagot kasi alam kong hindi matatapos tong usapan na to.

Tuloy lang ako sa pagkain, walang pakealam sa paligid. Sanay na ko, ako kasi yung tipong Sunako Nakahara, yung wala wala lang.

"Yiee!!!! Jae!! ang gwapo talaga niya grabe. Paking tape!! Makalaglag panty lang ang kagwapuhan!"

Gwapo ba kamo ? Tss muka lang naman silang mga tambay sa kanto. Muka silang jejemon na gangster.  Hindi bagay sakanila yung all black na damit. At sino ba naman ang matinong naka jacket eh ang init init ?

"Magpatingin ka na sa doctor"

"Huh ?! Bakit naman Jae ? Wala naman masakit sakin hindi naman masama pakiramdam ko"

"Patingin mo mata mo"

"Huh? Bakit ? Di naman masakit saka wala naman akong katarata "

"Shet "

"Wahhhhh minumura mo ko Jae !! Bakit ?! Hindi mo naman ako pinapalamon ha !"

Bwiset talaga o-oh . Sinubo ko sa kanya yung kutsarang may pagkain.

"Oh ayan pinapalamon na kita"

"Ang bad mo Jae. Ayan tuloy wala na si crush, umalis na !!"

Hindi ko nalang siya pinansin at inubos yung pagkain. Tumayo na ko at umalis na ng canteen. Sanay na naman si Jespen na lagi ko siyang iniiwanan don.

Bumaba ako sa basement ng school. Oo merong basement sa school ang ewan lang no ? Nasa basement lahat ng laboratories at sa kabilang part nito tambayan ng mga estudyante. May mga billiards , karaoke , at kung ano ano pang ka echosan. Pauso ng dating estudyante / may ari ng school.

Pumasok ako sa isa sa mga room para matulog

Papikit na sana yung mata ko ng biglang may nag bukas ng pinto.

"Jamina !!"

Ano na naman kailangan ng impaktang to?

"Oh?"

"Anong karapatan mo para bugbugin ang boyfriend ko ??!! HA?!?!"

"Tss sino ba yung boyfriend mo? "

"Si Bruno lang naman !!!"

"Pfftt s-sorry pero hindi ako nambubugbog ng aso ! Hahahahahaha "

shet. Bruno daw ahahahaha.

"Impakta ka! Pag babayaran mo to !!!"

Lumapit siya sakin at umambang sasabunutan ako pero bago pa niya yun magawa sinuntok ko na yung tiyan niya. Tumayo ako at sinabunutan siya. Di naman siya nag patalo at kinalmot ako sa pisngi. Aww shet, masakit yun! Sinuntok ko siya sa muka at tinadyakan.

"Yung boyfriend mo kasi minanyak kaibigan ko"

"Sa susunod kasi wag ka ng pumatol sa mga aso" dagdag ko.

Pero bago ako makaalis ay hinila niya yung buhok ko at nag labas ng kutsilyo. Hindi pa siya nadala ah. Susuntukin ko na sana siya pero biglan nalang siyang natumba.


Itutuloy ....

Authors Note.

Finally nakapag update na. Hahaha . Wala akong pake kung may nag babasa man o wala ^_^… Basta mag uupdate ako at tatapusin ko ang story nato . ∩__∩

Thank You !0^◇^0)/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memorie's Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon