Chapter 31

149 15 4
                                    

Freya's POV

18 years of existence.

Ang bilis-bilis talaga ng panahon. Parang kakatuntong ko lang sa teenage year ko tapos ngayon nasa legal age na ako.

"Happy birthday, sistah! Pwede ka na makulong," pabirong bungad na bati ng kuya ko pagkababa ko sa kwarto.

"Happy birthday, anak. Eighteen ka na talaga," bati rin ni mama na sinalubong ako ng yakap.

Before this day comes, I decided na sabihin na agad kila mama na hindi na ako magpapahanda nang bongga o debut kumbaga. Ako 'yung nahihirapan para sa kanila dahil alam kong time consuming 'yon. Though, worth it naman siya dahil isang beses ka lang naman mag-e-eighteen tapos doon mo talaga mararanasan ang pagiging isang disney princess. Ilang beses pa nila akong tinanong kung sure na ba talaga ako na ayaw ko talaga dahil kaya naman daw nilang asikasuhin 'yon para sa akin. Tumanggi ako at sinabi na lang na kung pwede ay 'yung common birthday party na lang siguro, and then invite na lang 'yung relatives at friends. Pumayag na sila sa ganoong set-up.

Napalingon ako sa kusina nang maamoy ang mga nilulutong pagkain ni mama. "Parang gusto ko na agad ubusin 'yang mga handa ko ah. Ang bango-bango naman niyan, ma."

"Kinain ko na talaga 'yung kalahati ng handa mo, tagal mo magising e," pang-aasar pa ni kuya.

"8:30am pa lang naman? 10:00am ko naman sila pinapunta," depensa ko.

"Tumatapang na talaga kapag eighteen na," hirit na naman niya. Tinanawan ko lang siya at dumireto na nang kusina.

Inisa-isa ko ang mga pagkain at talaga namang napapapikit ako sa amoy ng mga ito. Ito 'yung amoy ng mga pagkain na ayaw mong maamoy kapag hatinggabi dahil magki-crave ka talaga nang todo. Ang ibang pagkain ay in-order na lang ni kuya at baka raw mapagod si mama kapag napakadami ng niluto niya.

Mama really loves cooking. Walang araw na napapabayaan niya kaming hindi kumakain. She wants to make sure na bawat araw ay mararamdaman namin ang kabusugan.

Nag-ayos na ako sa sarili ko. Kinuha ko 'yung pink puff sleeves drawstring dress ko at 'yon ang sinuot. Kinulot ko ang laylayan ng buhok ko at nag-make up nang slight. Sinuot ko rin ang color pink chiffon headband ko na ibinigay ni Luke sa akin noong pasko para terno sa suot kong dress ngayon. Sinuot ko rin ang silver necklace ko na binigay naman sa akin ni kuya at syempre ang color white kong sandals na niregalo naman sa akin ni mama.

Nang makababa ako ay naabutan ko na do'n si Ma'am Reign na akbay-akbay ngayon ni kuya. Binati niya ako at may inabot na regalo sa akin.

Ilang oras lang din ay dumating na sina Azalea, Alexis at Xyrielle. In-invite ko rin si Francheska pero hanggang ngayon ay nahihiya pa siya at hindi pa raw niya kami kaya harapin sa ngayon. Naintindihan ko naman ang nararamdaman niya ngayon.

Sabay-sabay akong binati ng tatlo at inabot ang mga regalo sa akin. Kasama nila ang mga nanay nila kaya pagpasok pa lang nila ay hagalpakan na sila ng tawa nila mama sa kusina. Nag-invite rin si kuya ng ilang mga katrabaho niya at okay lang naman sa akin 'yon since kakilala ko rin ang iba niyang mga katrabaho. Dumating na rin ang ibang kaklase ko. Nagulat sila at talagang inalam kung bakit nandito rin si Ma'am Reign. Mabilis lang nila nasagap at nag-iritan pa nang malaman. Sobrang lowkey naman daw masyado ni Ma'am at ngayon lang nila nalaman. Sabay kong sinalubong sina Klyde, Fiona, Meghan, Castriel, Calyx. Imbitado rin si Grey at parents niya. Hindi na kami naiilang sa isa't isa dahil napag-usapan na namin ito noon.

Ilang minuto lang nang sabay-sabay dumating ang mga bisita ay dumating na rin ang pinakainiintay ko, si Luke. Kasama niya si Avianna, Enree, Tita Rhem, Tita Audrey at Tito Lukas.

Springtime RemembranceWhere stories live. Discover now