Did i just asked him out?

107 1 3
                                    

Chapter19

"Wow! Jill ang taas naman ng grades mo!  " sigaw sakin ni Chad.

1.38 ang GPA ko.

Di ko nga alam kung bakit ang taas ng grades ko eh. Salamat nalang sa mga Instructors ko.

Mwohoho XD.

"Jill , congratulations nga pala,   " sabi ni Jerryl.

About samin.

Naguusap pa naman kami pero hindi na katulad ng dati. Kasi ngayon, mas close na kami.

Paano?

Wala namang official na usapan pero mukhang naintindihan naman ni Jerryl, yung sitwasyon namin. Lalo na , na we should just stay like this forever.

Itinuloy nga pala nila ni Carlisle

(a/n : Maraming nagtatanung sakin kung ano daw ang pronounciation ng Carlisle,  Karlayl po )

At Jerryl ang plano namin na magkukunwari sila na sila.

Ang cute nila together.

Minsan nga gusto ko itanong kung kunwari pa bang sila.

O sila na talaga.

Kung sila na okay lang talaga yun sa akin. Kung gusto ni Jerryl si Carlisle dapat siguro ituloy na niya ang panliligaw dito.

Sa the Inquisitor naman, maayos naman ang buhay journalist ko dun.

Si Vince?

Sa totoo lang wala pa ring nagbago palagi pa din siyang mataray, pero nakikita ko na din ang sweet side niya.

Minsan nga ang hirap itago ng kilig eh. Natatakot nga ako na baka maiutot ko pag pinigil ko yung kilig ko. O baka san lumabas yung ngiti ko pag pinigil ko.

Ang hirap talaga.

Mwahahaha!

Pero pag nakikita ko si Rosh na lumalapit sa kaniya.

Naiinis ako.

Hmp!

Pero kay Rosh , hindi ko naman kaya magalit.

Mabait si Rosh.

Nung nangyari nga yung insidente sa cafeteria, nagsorry talaga siya sakin.

Nagmessage pa siya sakin that night.

Hay!

Ang hirap ng ganito, yung kontra bida mukhang mas mabait pa sa bida.

Siyempre noh!

Ako dapat yung bida.

Mwahahaha!

Papunta na ako sa SUB ng lumapit sa akin si Sir Hendrano.

"Jill ,  "

"Yes sir?  "

"ikaw pala ang president ng section ninyo?  "

"opo, bakit po?   "

"Magkakaroon kasi ng Victory party for all the leaders eh, so inaasahan ko ang pagdating mo, Oo nga pala , formal yung party, mascarade yun ah? Tapos ang escort mo dapat ay senior year na "

Napaoo nalang ako sa lahat ng sinabi ni sir.

E ano pa ba sasabihin ko?

Si Vince ang unang pumasok sa isip ko nung sinabi ni sir yung tungkol sa Party.

Hay. This coming, Saturday na yun.

Paano ko naman siya tatanungin kong sasama siya sakin?

Sa ganda kong to!

Sir I Think I Love YouWhere stories live. Discover now