Simula

12 0 0
                                    

"Nay.. Diba sabi ko naman sa inyo na wag kang gagawa ng ikakapagod ninyo.. Alam mo naman ang sitwasyon mo diba nay?" napahito sa paghuhugas ng pinggan ang nanay  Gabrielle nang pagsabihan nya ito ng naabutan nyang naghuhugas ng pinggan

"Eh kasi naman anak.. Buong araw akong walang ginagawa" sabi naman ng nanay nya saka ulit pinag patuloy ang ginagawa

"Nay naman kasi.. Ako nalang po ang magpapatuloy nyan..." sabi ni Gabrielle saka kinuha sa mga kamay ng nanay nya ang pinggan at sya na ang nagpatuloy ng mga ito.

Ayaw nyang napapagod ang nanay nya dahil may sakit ito sa puso at di nya alam kung saan makakakita ng pera para pampagamot sa nanay nya. Isa lamang ang naiisip nyang paraan kung saan makakakita ng malaking pera. Ang tanggapin ang inaalok sa kanya na trabaho ng kanyang kaibigan.

"Anak..... Pasensya kana kung di ako nakinig sa sinabi mong magpahinga na lamang... Gusto ko kasing makatulong sa iyo... Alam kong nahihirapan kang maghanap ng pera para pampagamot sakin at patustus natin sa pang araw araw..." napatigil sa paghuhugas ng pinggan si Gabrielle at nilingon ang ina ng may gulat sa mga mata

"Nay.." tanging nasambit nalamang ni Gabrielle dahil di nya amang ang kanyang sasabihin sa kanyang ina

"Alam ko anak na mahirap sayo na maghanap ng trabaho dahil di ka naman nakatapos ng kolehiyo.. Pasensya kana anak at di na kita napag aral pagkatapos mong maka graduate ng high school.." sabi ng nanay nya agad na nangilid ang luha nya

"Nay.. Ayos lamang iyon nanay... Ang mahalaga ngayon ay ang kalagayan mo... Kaya nay magpagaling ka ha?" pinahid ni Gabrielle ang luha na tumutulo sa kanyang pisngi saka humihikbing nilapitan ang kanyang ina.

Agad na niya ka ni Gabrielle ang kanyang ina ng makalapit dito... Isa lang ang nasa isip nya. Gagawin ko ang lahat mapagaling kalang nanay.

"Nay kaya ko pa naman eh... Wag kang mag alala nay gagaling ka din.. Magsasama pa atyo ng mas matagal okay?? Maipapagamot din kita nay.. Basta nay kapit lang ha.?" humihikbing sabi ni Gabrielle sa nanay nya....

"HELLO Steph" sambit nya sa kabilang linya

"Hello Gab.... Ano? Napag-isipan mo naba ang alok ko? Alam ko naman na mahirap ito para sayo pero isipin mo nalang ang kalagayan ng nanay mo Gab. Basta kahit anong disisyon mo nandito lang ako sa tabi mo" sambit ng kausap nya sa sa kabilang linya

"Alam ko naman iyon Steph.. Kaya tinatanggap ko na ang iyong alok" sambit nya sa kaibigan

"Sigurado kaba talaga dito?" paninigurado ng kaibigan nya

"Oo. Gusto ko nang maipagamot ang nanay Steph.." naiiyak nyang sambit

"Okay.. Sige. Magkita tayo mamayang ala sais ng gabi pumunta ka sa ****" sambit ng kaibigan nya

"Okay sige.." sambit nya at pinatay na ang tawag ng kaibigan nya

Malaki-laki din ang makukuha nya pag pumasok sya sa pinagtatrabahuhan ng kanyang kaibigan.. Maipapagamot nya din ang kanyang ina kung sakali man... Ng naisip ito ay masaya sya ngunit agad sya ng nalungkot sa naging kabayaran para magawa iyon... Ang kanyang puri...

Ayaw nya mang gawin ay wala sya ng magawa dahil kailangan na maipagamot ang kanyang ina...

"Steph!!" tawag nya sa kabigan ng nadatnan nya ito sa labas ng kanilang tagpuan

"Oh.. Narito kana pala halikana't pumasok na tayo..." sabi ng kaibigan nya

"Manager Kim!!" tawag ni Steph sa isang baklang may edad na

Sapalagay ni Gabrielle ay ito ang naghahandle sa kanila

"Ito po ang kabigan ko si Gabrielle.. Sya po yung sinasabi ko na nais kong ipasok dito manager.." sambit ng kaibigan nga

Tinignan sya mula ulo hanggang paa ng kaharap na manager

"Ayy bett!! You're so gorgeous hija..." malapad na ngumiti ang manager na kanilang kaharap ngunit tipid na ngiti lamang ang kanyang nanging sukli dito...

"Okay.. Magbihis na kayo at malapit ng dumating ang mga customer..."

Habang nasa loob ng dressing room si Gabrielle at nagbibihis ay ang daming tumatakbo sa kanyang isipan tulad ng, Ano na kaya ang mangyayari sa kanya kinabukasan? Ano kaya ang magiging reaksyon ng nanay nya pag nalaman nito kung anong klaseng trabaho ang pinasok ng kanyang anak.

Sa dami daming tanong sa isip ni Gabrielle ay ni isa wala sya ng nakuhang tugon dito..

Pagkatapos ng magbihis ay tinignan nya ang kanya repleksyon sa salamin
Bilugang mata na may makakapal na kilay at pilik mata, matangos na ilong, natural na mapulang labi, may mahahabang biyas at maputing kutis.

Lumabas na sa dressing room si Gabrielle at sinalubong naman sya ng kaibigang si Steph..

"Oh my!!" nasambit ng kaibigan nya ng makita sya at nakaawang pa ang mga labi na tinitigan sya. "Napakaganda mo Gab..." mahinang sabi nito saka ngumiti. "Dinaig mo pa ako haha" natutuwa pang dugtong nito.

"Salamat Steph.." makahulugang sambit nya sa kaibigan

Hinila sya nito paupo sa isang upuan.

"Ano ka ba wala yon.. At pasensya ka na rin at ito lang ang trabahong maibibigay ko sayo..." sabi pa ng kaibigan nya

"Ano ka ba sobra sobra na nga itong ginawa mo para sakin.. Atsaka naiintindihan naman kita eh." sabi nya sa kanyang kaibigan.

Ngumiti lamang ang kaibigan nya at nagsimula na itong lagyan sya ng kolorete sa mukha.

Maya maya pa ay natapos na ito. Nang tignan nya ang sarili nya sa salamin ay namangha sya. Para sya biglang naging ibang tao.

"Ako ba talaga to?" manghang tanong nya sa kaibigan

"Oo naman noh!! Saka manipis lang ang make-up na nilagay ko parang wala naman masyadong nagbago eh.. Maganda ka pa rin" bigla ay napangiti sya sa tinuran nito

"Salamat steph" sambit nya

"Kanina ka pa sa salamat na yan ah.." natawa na lamang silang dalawa sa tinuran nito

KINAKABAHANG lumapit si Gabrielle sa pintuan na sinabi ng manager na si Kim. Unti unti nyang pinihit ang doorknob at binuksan ito. Nadatnan nya ang isang lalaking nakayuko at walang pang itaas na damit na naka upo sa gilid ng kama.

Kinakabahan sya ng lumapit dito. Unti unti ay nag angat ito ng tingin sa kanya. Imbis na matakot ay namangha sya sa kanyang nakita.

Isang mala adonis na lalaki ang naka-upo sa kanyang harapan!!

Tumayo ang lalaki at nilapitan sya. Napaatras sya ng isang hakbang dahil sa sobrang lapit na mukha nito.

"Whats your name?" tila tumayo lahat ng balahibo nya sa katawan ng nagsalita ang lalaki sa kanyang harapan.

"B-brielle.. A-ako s-si Brielle" nauutal na sabi nya sa kaharap.

Naglahad sya ng kamay dito at tinanggap naman iyon ng kanyang kaharap.

"You're nervous lady... Why? Di naman ako kumakain ng tao..." natatawang sambit ng lalaki

Binawi nya ang kanyang kamay ngunit di nito iyon binitawan.

"Ang kamay ko mister.." sambit nya sa sobrang kaba.

Natatawang tinitigan ng lalaki ang kanyang mga mata. Lumapit pa lalo ang lalaki sa kanila. Ramdam nya ang hininga nito sa kanyang leeg.

"Heyy.. Chill ok.. Im not going to eat you.." sabit ng lalaki at dinilaan nito ang kanyang leeg. "Instead im going lick every inch of you..."

Parang may kung anong kiliti ang kanyang naramdaman ng dilaan sya nito sa kanyang leeg. Ngunit ganoon nalang ang panghihinayang nya ng lumayo ng kaunti ang lalaki sa kanya.

"By the way I'm Lucas Anderson. Nice to meet you Brielle."

~°***************°~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My DestinyWhere stories live. Discover now