8th Purchase

18.2K 412 6
                                    

My body froze. My knuckles were visible due to my tight grip on the phone right now. Nananakit pati ang panga ko for gritting my teeth with all my might.

Kinukurap kurap ko mga mata ko para makasigurado kung ako ba talaga yung nasa 4 minutes length na video na nagp-play ngayon. I want to assure my self that its not me because It was not just an ordinary 4 minutes length video. It was me and Dash doing the nasty thing. Yes, nasty!

I remember that scene on the first night he took my innocence.

Kaya pala. Akala ko guni-guni ko lang yung feeling na nakatitig sakin halos lahat ng studyante na nadaanan ko sa campus.

And when the video ends, my tears were on the verge of falling down but I am shaking.

I heard her sigh. Realizing that she already see this, gusto ko nalang lamunin ako ng lupa ngayon.

"Is it you? I -I need to know Cassidy." Basag ni Grace nang ilang minutong nakatitig lang ako sa video na naka standby na ngayon.

I swallowed hard. I don't want to see her judgemental eyes kaya I close mine and nodded to her slowly. She's going to hug me but I stop her.

"I'm still your friend Cassidy, I don't want to judge you dahil lang sa video na yan" Grace said in a comforting tone.

Dahil sa sinabi niya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Luha ng pagkasuklam at pagkapahiya. Sa ngayon hindi ko alam kong paano o ano ang gagawin o erereact man lang sa ganitong sitwasyon.

I feel like drowning because of the overflowing emotions I had feeling right now.

Alam mo yung hindi mo magawang makapagsalita dahil sa hiya at sa sobrang sakit. Sobra-sobrang sakit na akala mo literal na hini-hiwa ang puso mo.

Humihikbing ibinalik ko ang smartphone kay Grace at tumakbo ako palabas ng room na yun.

I just keep on running. I didnt mind of my blurred vision. Hindi yun makakapagpigil sa pagtakbo ko. Gusto ko mawala nalang ako na parang bula. Hanggang sa makarating ako sa ilog sa likod ng University.

I stop. The calm water in front of me seems inviting. I take a step nearer. Slowly. Hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na tubig sa paanan ko.

He used me. Dash just used me. I feel humiliated. I had enough! I give up!

Naalimpungatan ako dahil sa pangangawit ng kabila kong braso dahil sa ginamit ko iyon bilang unan. Tumingala ako para tingnan si Lance na natutulog sa hospital bed at halatang pinagpapawisan dahil sa init ng ward na pinagdalhan ko nito. Meron pang apat na umuukopa sa ward na yun at hindi ko alam kung napano o ano ang kanilang mga sakit.

Kanina pumunta si Grace matapos mabalitaan ang nangyari. Since hindi private ang ward na kinuha ko nagsusumiksik kami ngayon sa mainit at mabahong room na yun.

I caress his hair while lovingly staring at his face. I vow to myself walang makakapanakit sa kanya-- sa kanila. Hinding hindi ko yun hahayaan. Poprotektahan ko sila kahit pa sa tao na pinagmanahan ng kanilang mukha.

Biglang tumahimik ata ang paligid hanggang sa maramdaman kong lahat ng tao sa kwarto na yun ay nakatingin sa likod ko. I almost stop breathing when I smell his cologne. The smell of that certain cologne na hindi ko magagawang makalimutan. He stand closely to me.

And his voice breaks the room's silence. "We need to talk"

hoh! I wouldn't thought maa update ko to! :) time check 11:43pm
HAPPY NEW YEAR!
ALMOST 2015 na!

(feel free to point my mistake. mabilisan ko tong ginawa)

xoxo,
imthecrownedone

SHE IS THE PAYMENTWhere stories live. Discover now