Part 7- Autumn Sonata

774 40 4
                                    

September 22, 1996

                  “Nasa stage three na ang cancer” ang wika ng doctor na yun. Ang doctor na ini-rekomenda sa akin ng doctor sa Korea. “Kapag hindi ka pa nagpa-treatment ay baka umakyat na yan sa sunod na stage sa mga susunod na buwan”

                   Hindi ko alam kung bakit parang wala nalang sa akin kung umakyat pa yun sa sunod na stage. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako takot mamatay. Siguro dahil sa wala narin akong dahilan para mabuhay. Hindi ako maalala ng lalaking mahal ko at masaya narin sya sa buhay nya.

                   Ngumiti ako sa doctor. “Okay lang doc” yun lang saka ako lumabas.

                   Naglalakad ako sa corridor ng hospital nang makasalubong ko ang gwapong lalaking iyon. Ang gwapong lalaking iyon na sobrang mahal ko kahit na hindi na nya ako kilala.

                   Ngumiti ako. “Hi…” ang sambit ko.

                   Isang matamis na ngiti ang isinukli nya sa akin. “Ikaw yung kaibigan ng girlfriend ko”

                   Buti naman at naalala parin nya ako. Pero ramdam ko parin ang sakit.

                   “Hindi ko talaga maintindihan ang nangyari nung araw na yun pero mabuti naman at nakita kita uli” ang wika pa nya.

                   “Pasensya na kung kinailangan kong umalis kaagad…” ang nakangiting wika ko para maitago ang sakit na nararamdaman ko ngayong nakatayo sa harapan ko ang lalaking mahal ko pero hindi ko sya mahawakan.

                   Nilingon nya ang paligid. “Ba’t ka nandito? May sakit ka ba?”

                   Napatingin ako sa kanya.  “Oo…” ang sambit ko. “May sakit ako…”

                    At habang sinasabi ko yun ay parang nag-iinit ang mga mata ko.

                   “Eh ikaw?” ang tanong ko. “Ba’t ka nandito?”

                   Ngumiti sya. “May schedule ako ng check-up ngayon sa doctor ko. May amnesia kasi ako kaya kailangan na lagi akong nagpapatingin dito”

                   Saka sya tumitig sa akin. “Mukhang pamilyar ka sa akin…”

                   Sinalubong ko ang titig nya dahilan para magkatitigan kami. “Talaga?”

                   “Nagkita na ba tayo dati? Pakiramdam ko kasi naging magkaibigan tayo noon…” ang tanong nya sa akin at hinahati nun ang puso ko.

                   Ngumiti ako. “H-Hindi…hindi tayo nagkakilala noon.” Ang nanginginig kong wika. “Wala tayong koneksyon sa isa’t-isa…”

                   Nakita ko ang paglungkot ng mukha nya. “Ganun ba? Akala ko pa naman nagkakilala na tayo noon…magaan kasi ang loob ko sa’yo…”

                   Pero agad na akong nagsalita. “Aalis na siguro ako…” yun lang saka ako tumalikod pero nagsalita pa sya.

                   “Nice meeting you Erika” ang nakangiting sabi nya dahilan para mapalingon ako.

                   “Alam mo ang pangalan ko?”

                   Ngumiti sya. “Sinabi sa akin ni Gale”

Autumn Sonata (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon