Really Not A Perfect Love Story

391 12 6
                                    

It was their 3rd year anniversary. Two years of a fruitful relationship and Tin couldn't ask for more. Siguro kung may hihilingin sya sa another year na iyon ay ang maging asawa na nito. Ngunit ayaw naman nyang madaliin ang kasintahan. Alam nya at panatag ang loob nyang darating sila dun.  

Nasa dalampasigan sila ni Slater, doon lamang nito gustong i-celebrate ang mahalagang okasyon na iyon. Hindi naman sya kumontra ang mahalaga sa kanya ay kasama nya ito. Saan man sya nito dalhin basta kasama nya ito ay masaya na sya. Naglatag lamang sila ng blanket, maaliwalas ang panahong iyon... maganda ang sikat ng araw. Tila umaayon sa kasiyahan at kontento nyang pakiramdam. Nakaunan si Slater sa lap nya. Habang sya ay hinihimas himas ang buhok nito. Pareho wala silang imik at ninanam-nam ang panandaliang katahimikan.

" Tin...." ito ang unang nagsalita.

" Hmm.." tugon lamang nya, tinapunan nya ito ng tingin. Pinagmasdan nya ang gwapong mukha ng nakapikit na kasintahan.

" I imagined you wearing a wedding dress." pahayag nito, kinabahan sya sa tinuran nito.

" Really? How do I look?... bagay ba sakin?.." maingat na tanong nya rito.

" Yeah... your so lovely. But it was just sad... I wasn't the groom." makahulugang sabi nito. 

" Slater!!! Hindi ako magpapakasal sa kahit sino, kung hindi rin ikaw ang groom ko. How could you say that.. when you're the love of my life." hinampong turan nya rito. Hindi nya kung bakit masyado syang maselan pag dating sa relasyon nila, agad syang nagtatampo pag nagbibiro ito ng ganun. Hindi iilang beses sya nitong natanong tulad ng " one if one day... he'd be gone."  at kung ano ano pa madalas ay yun ang pinagmumulan ng away nila. Na kaagad naman syang sinusuyo nito pag nagiging ganun na sya.

" Tin.. I wish I could marry you." seryoso nitong sabi. Bumangon na ito sa pagkakahiga at kinuha ang mga kamay nya at dinala iyon sa dibdib nito. Napatda sya sa tinuran nito.

" Are you breaking up with me?.." pigil ang hiningang tanong nya rito, nangangambang oo ang sagot nito.

" No... i'm not." tila naman nakahinga sya ng maluwag sa sinabi nito.

" Then why are you telling me this?... bakit sinasabi ang mga bagay bagay na hindi naman dapat. You don't have to marry me kung hindi ka pa handa. I could wait... pero ito lang ang sasabihin ko sayo Slater wala akong ibang taong gustong makasama habang buhay kundi IKAW lang... you understand? Ikaw lang." mariin at puno ng pagmamahal na aniya rito.

" That's exactly what I'm trying to say Tin..." anito. Huminga ito ng malalim.

" I don't get it..." napapailing na aniya rito. Nag uumpisa na syang kabahan sa sinasabi nito.

" I know I can't be with you forever Tin. I know from the very start we can't be together for long." makahulugang turan nito. Pumikit ito ng mariin. Parang tinatambol ang puso nya sa mga binibitawan nitong salita. Ang isipin pa lang na magkakahiwalay sila ay nasasaktan na sya, hindi nya maintindihan ang ibig nitong sabihin at natatakot syang alamin iyon.

" Slater... stop this okay. Your not making any sense." saway nya rito.

" No Tin... listen to me first... okay..." patlang. Dumaan muna ang panandaliang katahimikan bago ito muling mag salita.

" Remember when we first met?... I told you to go away, I asked you to stay away from me.. remember?" pagpapaalala nito sa unang beses nilang pagkikita. Tumango naman sya. At nagpatuloy ito.

" Because I don't want you to fall inlove with me... di ba sinabi ko din yun?..." huminga sya ng malalim. Hindi nya alam kung saan patungo iyon pero kinakabahan na sya. 

HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART - SLATIN versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon