Chapter 26 🍃

18 3 26
                                    

"The sun might leave and the moon might disappear but always remember that day and night, everyday and everytime, i love you so much Lhiana."

Hindi ko pa din alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na ang taong gusto ko ay mahal pala ako, sobrang sarap sa pakiramdam ngunit hindi ko maiwasang masaktan.

"Is this for real?"  I can't stop myself from asking.

Natatakot ako, natatakot na baka panaginip lamang ang lahat at sa pag gising ko ay masampal pa ako ng masakit na reyalidad. Natatakot ako na baka sa isang iglap lang ay mapalitan ng mga luha ang aking mga ngiti, nakakatakot at nakakapangamba.

"Yes, everything is real, my love," he smiled.

I can't stop myself from smiling. Kanina pang magakalapat ang aming mga noo at ano mang oras ay maaari nang sumabog ang puso ko dahil sa sobrang saya.

Him calling me with my name was like a dream and now he's calling me as his love, damn! I don't know if i can call this a fantasy or dream anymore! This is different! To the highest level!

"If this ain't a dream then i love you too Lloyd, i love you so much"

He just smiled at mamaya lamang ay hinalikan naman niya ang tungki ng aking ilong bago tuluyang pinaghiwalay ang aming mga noo na matagal nang magkalapat. Sobrang saya ko ngayon, hindi ko maipaliwanag kung gaano ba ako kasaya basta ang alam ko lang ay natutuwa ako.

Buong akala ko ay may mahal siyang iba, ayun pala ay ako ang tinutukoy niya.

Bigla siyang nagsalita. "Remember the day you told me na lagot ako kapag nahuli mo ako?"

"Every moment with you feels like i'm inside a paradise. Every memory with you must be treasured"

There's no lie sa mga sinabi ko. Bawat pinagsasamahan namin ay hindi ko nakakalimutan. Nahulog na nga lang ako ng hindi ko namamalayan eh, nasaktan ng ilang beses dahil sa pag-aakalang may mahal siyang iba, engot ko naman HAHAHA.

"Stop that! Kinikilig ako," namumula pa ang kaniyang mukha habang sinusuway ako.

"HAHAHAA"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tumawa. Posible pala talaga na kiligin ang lalaki? First time kong makakita nito dahil sa tuwing nanonood ako ng mga drama ay palaging babae na lang ang halos mahimatay. Lagi na lang pa-serious yung mga lalaki tapos mamahalin din naman pala! Sus!

"Aish! Stop that my love!"

Ay enebe!

Ayun, natameme na ako nang tawagin niya akong 'my love'. Ayun lamang naman pala ang magpapatahimik saakin edi sana kanina pa niya sinabi diba? Charot lang, baka lumisan pa ako sa mundong ito ng sobrang aga dahil sa heart attack.

JHAZRELL LHIANA TRINIDAD
March 16, 2000 - July 10, 2020
Died at the age of 20
Cause of death: Mga banat ni Lloyd mylabs!

Ay jusko! Ano ba mga naiisip ko! Hindi pa ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko pa nagagawa ang misyon ko at hangga't hindi pa nagiging Gutierrez ang apelyido ko! Hell no!

"That day, naghahabulan tayo dahil ginulo ko ang buhok mo," he chuckled.

Natutulala ako sa tuwing tumatawa siya ng bahagya. Kung dati ay pogi siya sa paningin ko, ngayon naman ay mas naging gwapo pa siya.

Bumalik na naman ang inis ko nang maalala ko ang ginawa niya saaking buhok. Tandang-tanda ko iyon! Nasa playground kami non at mistulang mga bata na naghahabulan. Ayaw ko kasi talaga ng nagugulo ang buhok ko kaya kung balak mo lang din akong iyamutin, yung buhok ko agad ang puntiryahin mo dahil paniguradong hindi ka na sisikatan ng araw.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now