*chapter 2 - He's back*

7 1 0
                                    

***

(Camille's POV)

ilang saglit pa ay dumating na rin ang iba naming kasamahan sa theater pati si Jerick---

na may kasamang isang lintaa?? o_O

WHAT THE HECK???!!

WORLD WAR III ITOOOOO!!! >___<

sa sobrang bigla ko dahil may kasama si Jerick na isang linta, napatayo ako sa kinatatayuan ko at sumigaw..

"WHO IS SHE?!" sabay turo dun sa babaeng nakapulupot sa braso ni Jerick. Kung makapulupot naman kasi siya sa Jerick my labs ko wagas! Linta! linta! lintaaaaaaaaaaaa! >_<

At dahil sa pagsigaw ko lahat sila napatingin sakin at kita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat at pagtataka lalo na kay Jerick. Well, kahit naman din ako nagulat sa ginawa ko eh. Anak naman ng tipaklok ooh.. >__< pinapahiya ko lahi ko dito ah!

"Got ya' all, guys!! hahahahahahahahahaha!! Ang galing ko talaga umarte, I catch all your attention! hahaha!" sabi ko sa kanila sabay upo.

www.palusot.com =__=

anak ng tinapa, yan lang ang kinaya kong palusot sa kanila para hindi sila maweirduhan sa ginawa ko. Sana nga lang effective dahil nakasalalay ang kahihiyan ng lahi ko dito.. Waaaaaaahh!! T__T

"Grabe kaCamille, akala naman namin kung ano na nangyari sayo at pati si ate na maganda dinamay mo pa. Hahaha!" Sabi nung isa naming ka-member.

Ano daw?! Maganda?! San banda? Okay sige payag na ko, kamukha na niya yung kuko ko. Uy maswerte nasiya niyan dahil pinayagan ko siyang maging kamukha ng kuko ko nuh! hahaha!

"oo nga Camille, masayado kana ata naaaliw sa pag-arte ah.. hehe.." Sabi naman nung isa pa.

"a.he.he.he.. hindi naman masyado.." sabi ko naman na medyo nahihiya talaga sa ginawa ko. Ay nakooo talaga.. >_<

Ang landi naman kasi talaga nung babae na yun. Ay naku pigilan niyo ko makakapaslang ako ng linta ngayooooon!! >__<

Tinignan ko lang sila ni Jerick habang nilalandi siya nilinta girl, nakakainis! Ni hindi man lang ako pinansin ni Jerick, dahil ba may kasama siyang ibang babae ngayon? Tsaka hindi ko yata matandaan na may kaibigan si Jerick na linta? Wala naman din siyang nakwento sakin tungkol sa ibang babae.. Sino naman kaya yung babae na yun. Siguro taga ibang department na fan ni Jerick at hindi lang niya matanggihan kaya sinama na lang niya dito sa quarters.. Siguro nga.

"usok sa tenga, check!"

Pero pag may mga fan si Jerick sinasabi naman niya sakin eh.. Baka bago lang?

"Laki ng butas ng ilong, check!"

Pero kahit na! Kung makaasta naman kay Jerick feeling close. Kainis!

"magkasalubong na kilay, check!"

Tapos itong si Jerick hinahayaan lang niya, sobrang bait naman niya dun sa linta na yun.. Nakakainis talaga! >__<

"PANGET na mukha... Check!"

tapos ngayon ako pa ngayon yung panget---

Ano daw?! PANGET?!

napatingin ako sa katabi ko na kanina pa nagsasalita ng kung anu-ano na dumadagdag sa init ng universe. At talagang yung itsura niya nang-aasar. Meron talaga siyang hawak na ballpen at papel na akala mo may chine-chekan talaga..

"H-hoy!! A-anong panget na mukha sinasabi mo diyan?!" Lokong Janel to lakas mang-asar. Imbis na damayan ako sa pagluluksa dahil may babaeng kasama yung labidoo ko, sinasabayan pa yung asar ko. Bwiiseeet! >_<

TeachingOne'sHeart (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon