Chapter 2

14 1 0
                                    

Sa mga nagdaang araw e naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko.

Mababait naman yung iba sa kanila at yung iba e attitude(pero mas attitude ako hindi ako papatalo)

Isang linggo na din ang nakalipas nang magumpisa ang pasukan,nakakasundo ko na ang dalawa kong katabi at pati na din ang President namin na bakla.

Lunes ngayon at napansin kong may bagong dating kaming kaklase,hindi na naman mahirap sa akin kilalanin ang mga kaklase ko dahil isang linggo na din ang nakalipas kaya malalaman ko kaagad kapag may bago ba kaming kaklase.

Umupo sya may unahan kong upuan at dahil medyo interesado ako sa kanya dahil ngayon lang sya pumasok ay tinanong ko kung ano yung pangalan nya.

"Hi" sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay humarap sya sakin ng bahagya. "Hello"

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Clyde Wyn Ezra" pagkatapos nun ay humarap na sya sa blackboard dahil dumating ang teacher namin sa ESP.

Nang umalis na naman sandali ang teacher namin sa ESP ay sinilip ko kung anong ginagawa nya,nakita kong nagsusulat sya sa notebook nya dahil may iniwan na sulatin ang guro namin sa ESP dahil busy sila ngayon kaya nagpapasulat nalang muna sila ng mga ituturo nila kinabukasan.

"Sayo yan?" tanong ko kay Clyde nang hindi nya mapansin na nakasilip na ako sa ginagawa nya,mabilis syang humarap sa akin na akala mo e may tinatago doon sa ginagawa nya.

Sinilip ko yun ng bahagya kaya sya e todo tago sa ginagawa nya kanina.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang bahagyang nakangiti dahil baka kung ano anong isipin neto.

"Sinusulat ko lang yung pangalan ko" sagot nya sa akin kaya naman bigla akong naging interesado kung kagandahan ba yung sulat kamay nya.

"ah,pwede patingin ng sulat mo?" tanong ko sa kanya ngunit hindi pa din nawawala ang bahagyang ngiti sa aking labi dahil baka isipin neto na may kailangan ako sa kanya dahil kanina ko pa sya kinakausap.

Binigay nya naman sa akin ng walang alinlangan ang notebook nya kaya naman kinuha ko ito kaagad,tumalikod sya sa akin sandali ng ibigay nya sa akin yung notebook nga dahil ililiglit nya yung mga gamit na nasa desk nya sapagkat tumunog na ang bell hudyat na recess na.

Nang mahawakan ko ito e tama lamang ang kapal nya hindi sobrang kapal at hindi rin naman sobrang nipis.

Binuklat ko kaagad ang unang pahina at nakita ko ang sulat kamay nya.

Nakasulat doon ang pangalan nya. Sa baba ng pangalan nya e nakasulat naman ang Grade and Section namin.

Hindi ako nagagandahan sa sulat kamay nya dahil medyo magulo ito at maliit.

Pero hindi din naman ako napapangitan dahil yung liit nang bawat letra na sinusulat nya e bumabagay naman dahil pantay pantay.

Nang mapansin nya akong nakatingin sa pangalan nya ay mabilis nya itong kinuha.

"Uy wag!" sabi nya sakin habang nakangiti at labas pa ang ngipin, ayan tuloy lumabas yung taba ng pisnge na meron sya.

Ang sarap sana kurutin ng pisnge nya kaso naalala kong hindi pala kami close.

Pagkakuha nya ng notebook nya sa akin syempre nagulat ako. Ano ba namang pwede itago sa notebook diba?-,-

Habang inaayos nya yung notebook na hawak nya e napansin nya akong nakatingin sa ginagawa nya kaya muli nyang tinakpan yung notebook nya. Kaya naman naisip ko na baka kaya sya ganyan e ayaw nyang makita ng iba ang sulat kamay nya.

"Maganda naman sulat mo ah" sabi ko sa kanya para hindi sya mailang dahil nakatingin pa din ako sa notebook na hawak nya.

"ha ha ha" tawa lang ang sinagot nya sa akin kaya naman sumandal nalang ako sa sandalan ng upuan ko dahil parang naiilang sya sa akin o ayaw nya ata akong kausap tss.

Habang nakasandal ako sa upuan ko ay hindi ko maiwasan tignan sya.

Singkit ang mga mata nya lalo na pag nangiti sya ay parang wala na syang mata. Yung mga pisngi nyang sing laki ng siopao e bumagay sa kanya.

Nakipagdaldalan sya sa katabi nyang si Alessia Smith. Nakakausap ko na si Alessia ngunit hindi naman kami sobrang close dahil hindi rin naman ako marunong mag first move at hindi ko alam ang mga sasabihin ko kapag gusto ko makipag usap sa tao.

Matangkad si Alessia kung tutuusin ay mas matangkad sya sa akin ngunit mas matanda naman ako sa kanya. Buwan lang ang itinanda ko sa kanya kaya hindi ko sya hinahayaang tawagin akong ate,isa pa ayokong tinatawag ako na ate ng mga taong malapit lang naman sa edad ko.

Mahaba ang buhok ni Alessia ngunit hindi iyon makikita kapag nandito ka sa school namin sapagkat lagi kaming nakaipit at hindi pwedeng tanggalin ang ipit na yun hanggang andito kami sa loob ng school.

Katamtaman lamang ang kulay nya ngunit bumagay naman ito sa kanya. Hindi katulad ni Clyde ang kanyang mga mata dahil hindi singkit ang mata ni Alessia ngunit hindi din naman malaki katamtamang laki lang.

Isa si Alessia sa gusto ko maging kaibigan dahil mga katulad nya ang tipo kong kaibigan. Ayoko sa sobrang liit ayoko din sa sobrang laki. Mapili ako sa kaibigan dahil ayokong masiraan,masyado kasi akong open sa mga taong nakikilala ko. Baka kung ano ano pa ang sabihin nila sa akin kapag nakatalikod na ako,sobra ko ding minamahal yung mga taong nakikilala ko. Ayoko kasi na dumating sa point na iwan nila ako dahil may pagkukulang ako.

May bestfriend ako noong Grade 6 ako,actually magkaibigan pa din kami ngayon pero hindi na kami parehas ng school na pinapasukan. Kaya naman gusto ko magkaroon nang kaibigan dahil hindi ako komportable kapag wala akong kaibigan sa isang classroom.

"Paano ba ako makikipag kaibigan sa inyo kung hindi ko alam kung anong sasabihin ko?" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanilang dalawa na nag uusap.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 13, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

My Bestfriend turns into my Ex-Bestfriend. Onde histórias criam vida. Descubra agora