Kabanata 4

39 3 0
                                    


Kabanata 4

Label

"Okay ka lang?" Pambungad na tanong sakin ni Chesa ng nakarating kami sa canteen. Nakita kong pinauna na niya sila Tracy na bumili ng pagkain nila kaya naiwan kaming dalawa dito sa table

Ngumiti ako sakanya bilang sagot sa tanong niya kanina at kasabay nun ay ang pagbuntong hininga nito

"Grabe akala ko di na kita maaalis dun kanina eh, buti nalang at nagpatianod ka pagkahatak ko sayo" Naramdaman ko ang pagtitig nito sakin. Halatang nagaalala at naghihintay sa magiging reaksyon ko

"Masakit pa rin ba?" Tumingin ako sakanya pagkatanong niya nun at tumango

"Diba sabi sa libro ang utak ang nagcocommand sa lahat ng body parts para magfunction. At di exception dun ang puso. Alam kong metaphor lang yung pagsabi ng masakit sa puso pero tignan mo nalang sa ganitong paraan, kung patuloy mong iisipin ang nakaraan patuloy na sasakit yang puso mo dahil yun yung trinatransmit ng utak mo kaya kung gusto mong makamove on dapat isipin mong wala ka ng nararamdaman para sa taong yun para maibaon sa utak mo lahat ng masasakit na alaala na nangyari sainyo at yun yung susundin ng puso mo. Titigil na itong tumibok para sa taong nanakit sayo"

Ngumiti si Chesa sakin kaya sinuklian ko din siya ng ngiti. Isa si Chase sa mga reason kung bakit ako naadik magbar noon, dahil lagi kaming nagaaway at nakita kong alak ang sagot dati para makalimot pero nung tuluyan na siyang nawala sakin di na sapat ang alak para makalimot

"Kalimutan mo na yung taong yun Niks, para naman matahimik na yang utak mo at malay mo makameet ka ng taong magpapasaya sayo uli" Sabi nito sabay nguso sa kabilang table

Napatingin ako dun sa tinuturo ni Chesa at nakita kong kakaupo lang ni Troy sa katabing table namin. Nakita ata niya akong nakatitig sakanya kaya kumindat ito sakin pagkasalubong ng tingin naming dalawa kaya di ko maiwasang di napangiti

"Nandito rin pala kayo, is it still not faith na nandito rin kami at nakakuha ng table sa tabi niyo ha Niks?"

Napailing nalang ako sakanya at tumingin kay Chesa para ayaain ng bumili ng pagkain dahil nakita kong pabalik na sila Megan sa table namin. Pero nagulat ako ng nakayuko si Chesa pero agad kong nalaman ang rason ng narinig kong magsalita si Troy

"Racel pre, dito ka lang bibili lang akong pagkain"

"Pano ako?"

"Akala mo naman patay gutom ka kung makademand na bumili ng pagkain"

Narinig kong nagtawanan ang dalawa at may iba pang mga lalaking umupo sa table nila Troy, sila rin yung kasama nila noon sa SB ah. Pinilit kong yayain si Chesa na bumili na kahit na nararamdaman kong ayaw niyang tumayo dahil nahihiya ito. Nakita kong lumapit na samin sila Megan at isa isa na silang nagstart kumain. Hinatak ko naman patayo si Chesa para makabili na kami dahil gutom na talaga ako!!

Nakita kong papalapit samin sila Racel kaya nagulat ako ng biglang si Chesa na yung maghatak sakin palayo sa table namin

"Baliw ka ba? Mas lalo kang mahahalata niyan eh" Bulong ko

"Nakakahiya kasi"

"Pano kita malalakad kung nahihiya ka?"

"Hayaan mo na kung type talaga niya ako siya na.."

"Di na uso yan Chesa! 20th century na! gumising ka nga! Equality na ang uso ngayon kaya kung gusto mo ang lalaki magpakita ka ng motibo, hindi pwedeng sila nalang lagi nauuna"

Napairap ako sakanya after ko siyang lecturan, nakakainis kaya minsan ang aarte kasi, di na uso yung pademure ngayon kung type mo yung tao ipakita mo, kung ayaw mo sa tao lubayan mo hindi yung magpapakita ka pa ng maganda sa taong di mo naman gusto. Kaya nauuso ang mga paasa eh

The Player's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon