Class 3-C Has a Secret Fan Fic.

6.1K 77 36
                                    

Class 3-C has A Secret Fan Fiction

Originality written by: charotera101

---

Denise POV

“Pre congrats ha,happy wishes.”sabi sa kanya ni Philip na napagwapo ngayon dahil sa suot nyang americana.

Ako naman ay naka abay na suot din kulay black nga lang,di ko malaman kay Lilith kung bakit itim ang gusto nyang kulay -_- katabi ko nga pala si Andy ngayon at Philip inaabangan namin si Lilith

“Salamat Pre, eh kailan kaya kayo ni Thania?”tanong sa kanya ni Andy na makikita mo sa mata nya ngayon ang kaligayahan. Hindi ko rin maitatangi ang black americana suit nya ay bagay na bagay sa kanya.

“Hindi ko alam pre,hangang ngayon kasi natotorpe pa rin ako sa kanya.”kumamot na lang si Philip sa ulo nya ako naman napapangiti sa kanya.

“Tignan mo tong si Denise pangiti ngiti na lang,wag kang mag-alala Denise malapit na rin kayong magaya samin.”talaga tong si bestfriend maloko talaga,hmmp pero aminin ko naiingit ako sa kanila ni Lilith buti pa sila ngayon nasa harap na ng simbahan kami ni Ash hmmm no comment.

“Teka,speaking of the devil asan na nga pala yong lokong yon.”tumingkayad si Philip para hagilapin sa mga upuan si Ash pero kahit ako hindi ko sya makita.

“Darating rin yon alam nyo naman ang ugali ng lokong yon.”pati ako nakiki “lokong” na rin.

“Ay teka ayan na ata si Lilith.”sabi ko atsaka pumunta muna sa may upuan ng simbahan para panuorin maglakad sa aisle si Lilith.

Sa malaking pintuan ng simbahan unti unti ko na nakikita si Lilith na nakasuot ng Black Wedding Gown alam kong weird pero sabi nga ng iba walang basagan ng trip kaya ayun bulungan ngayon tong mga katabi ko bat daw kulay itim.

Habang naglalakad si Lilith kumanta na si Sarah Geronimo ng You and me.

What day is it? And in what month This clock never seemed so alive. I can't keep up And I can't back down I've been losing So much time.

Nasa likuran naman ni Lilith sina Summer at Amanda na ngayon ay magkasundo na at ang tawagan pa nila ay bestfriend nakakatuwang isipin na dati ay nag-aaway sila ay ngayon ay para silang tuko na hindi mo mapaghihiwalay.

Cause' it's you and me, And all other people With nothing to do, Nothing to lose, Cause' it's you and me, And all other people, And I don't know why, I can't keep my eyes off of you.

Habang naglalakad si lilith ay napakaganda nya,kaya naman tong si Andy ay halos mapasukan na ng langaw ang bibig dahil siguro kahit itim na wedding gown ang suot ni Lilith ay kitang kita pa rin dito ang ganda nya.

What other things That I wanna say Just aren't coming out right. I'm tripping on words, You've got my head spinning I don't where to go from here. Cause' it's you and me, And all other people With nothing to do, And nothing to prove

Class 3-C Has a Secret Fan Fic.Where stories live. Discover now