LAD b2: SEE YOU IN BED! ;-)

1.8K 21 11
                                    

[DJ's POV]

"Baka naman kung anu-ano na ang nakikita ng Apo ko na pinaggagawa niyong dalawa na mag-asawa? ha?" he said with humor.

Nakakahiya naman! Kung bakit ba kasi ang libog-libog ko?

"Baka gusto niyo na doon na muna tumira sa akin si Dee? Para naman may oras kayo sa isa't isa at hindi si Dee ang iniisip niyo." humigop naman siya ng kape na inihanda ni Kath sa amin. Nakakahiya talaga yung inasal namin kanina. We're acting like we're newly Weds. Gayong 10 years na mahigit kaming Kasal. "A week maybe? or Two? Kayo.. Hanggang kailan niyo gustong ihabilin si Dee. Okay lang. She's also my Granddaughter DJ. And I am your foster Parent. You can always lean on me. At napakaliit na pabor lang ang gagawin ko sa inyo na mag-asawa, para.. tapusin ang 'pag-uusap' ninyo." he chuckled.

Tinignan ko naman siya ng masama sa utak ko. Naku! Itong si Boss kahit ano na lang ang maisip eh no?

"We're fine boss. Saka, Nakakahiya naman sa inyo. Akala lang talaga namin kanina eh wala na si Dee sa harap." defensive kong paliwanag.

Pinapakonsensya talaga ako ng mga sinasabi ng matandang ito eh. Naalala ko tuloy yung pinag-gagawa namin ni Kath kanina. Alin don ang  nakita ni Dee bago takpan ni Boss yung mga mata niya? Ano na kaya ang nasa utak non? Na malibog ang parents niya? Na kahit saan na lang? At NAPAKA-EASY BOY ng Daddy niya?

Si Kath naman kasi eh. Sana kagabi na lang niya yun ginawa.

Tsssss. Pero aminin mo DJ.. Nag-init ka rin naman eh. I scolded myself.

Naman. Ang hilig ko na sa monologue.

"I insist DJ. Saka ilang araw lang naman. Mas mabuti na rin yun na don muna siya sa akin para naman magbonding kaming mag-lolo,"

"Pero.."

"No more buts. Ang tigas talaga ng ulo niyo. Buti na lang at hindi nagmana sa'yo si Dee ng katigasan ng ulo." he sighed.

The moment he said that nakita ko how sad he is. He's been there for me since the day he adopted me. He well-trained me to be the best as I can be. Para sumunod sa mga yapak niya. And more than that he treated me as his own. Hindi siya nagkulang sa kin kahit na ampon niya lang ako. He gave me everything I needed. Sobra-sobra na nga na ipamahala pa niya sa akin ang kompanya.. I know how sad he is right now. Kita sa mata ang lungkot niya. I can compare. Yes, kasi hindi ako sanay na ganito. I've seen him in his worst lalo na nong sinurrender niya kay Julia ang asawa niya at nagpakumbaba just for me..  yet he remained still and strong. Akala ko nga hindi ko siya makikita na ganito.

Yung anak na lang niya ang natitirang pamilya niya na sa kasamaang palad ay nawawala pa.

LAD b2: Living Again [KathNiel] HIATUSWhere stories live. Discover now