Over Me (Just a one-shot)

277 9 0
                                    

“Jeceline,” sa ikalawang pagkakataon, may tumawag na naman sa pangalan ko. Paglingon ko, si Arvie lang naman ang nakita ko, kumindat pa siya, pangalawang beses na rin iyon.

“Ugh,” paikot ang mga matang binalik ko sa binabasa ang pansin ko. Napaka-KSP talaga niyang si Arvie, isama pa ang mga kabarkada niyang wala na yatang ginawa sa buhay kundi ang kunsintihin ang mga kalokohan niya.

“Jeceline,” sa pagkakataong iyon ay sumisitsit pa siya.

“Pwede ba?” mahina pero mariing sabi ko, “nasa library tayo, hello? Kaya kung maaari, ang mga kalokohan mo, ireserba mo na lang mamaya sa room,” naiinis na saad ko. Mula first year high school hanggang ngayong fourth year na, nasa anino ko pa rin siya. Hindi na niya ako tinantanan, buti naman sana kung puro kabutihan ang dinudulot niya sa akin. Taun-taon na lang kami nadadala sa guidance at tumatambay doon ng higit pa sa apat na oras na kami lang sa loob ng napakatahimik na kwarto bilang parusa, kung hindi ko kasi siya nababato ng libro o notebook, nasasampal ko naman siya. Pasalamat pa nga daw ako’t hindi pa ako nakikick out kahit na tiyuhin ni Arvie ang superintendent namin. “Bwisit,” di na ako nakatiis at tinarget ko ng eraser ang noo niya, sapul. “Kikindat ka pa?”

“Aray,” sinapo niya ang natamaang noo habang di magkamayaw sa pagtawa ang mga barkada niya.

“Ssh!” lumapit sa amin si Miss Yanos, ang dalagang librarian. Hindi pa siya matanda gaya ng ibang naging librarian namin, bago pa lang siya sa school. “Kayong dalawa, ha” pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin, “pangalawang beses nang warning niyo ‘to.” Alam na alam na niya na kami ang dahilan ng pag-iingay na iyon kahit na iba naman ang tumawa.

Masama ang tinging ginawad ko kay Arvie nang makaalis si Miss Yanos. Tinuro ko pa siya at idinaan ang hintuturo ko sa leeg ko na parang sinesenyas na mamamatay na talaga siya kapag biniro pa ulit ako.

Hindi nauubusan ng kalokohan si Arvie, kung ako ang reyna ng masusungit sa buong campus, siya naman itong hari ng kalokohan. Palibhasa nag-Mister Intrams kaya may maipagmamayabang, eh bakit ba, ako rin naman, nag-Miss Intrams nung third year high school.

Nang tumunog ang bell ay tumayo na ako dala ang mga librong hiniram ko sa library. Para iyon sa assignment namin sa physics.

“Jeceline, gusto mo, tulungan na lang kita?”

Lumingon akong nakangiti na agad ding nabura nang makita ko ang nakangising mukha ni Arvie, “pwe,” buga ko ng hangin sa mukha niya. Napapikit naman siya. Akala ko ay lalayas na siya nang dahil sa ginawa ko pero hindi dahil sinabayan pa niya ako sa paglalakad.

“Saan ka nga pala nagbakasyon? Ako kasi, nagpunta sa Bohol kasama sina ate, nag-picture taking kami, ang liliit pala ng mga tarsier, nuh? Alam mo ba yun?”

At ginawa pa akong tanga, “ah, yung tarsier, hindi ba ikaw yun?” binagsak ko sa dibdib niya ang mga librong buhat ko, “di ba, sabi mo, tutulungan mo ako? Hayan, buhatin mo,” at binaraan ko siya ng alis habang buhat niya ang mga librong hawak-hawak ko lang kanina. Pagpasok sa room ay tuksuhan na naman ang naganap pero dahil sanay na ako doon, dumiretso na lang ako sa upuan ko. Walang araw na lumipas na hindi ako tinukso kay Arvie, oh please, spare me the cavities.

“Senyorita, ang mga libro po ninyo,” mapang-asar na pakli pa ni Arvie sa akin bago inilapag ang mga libro ko.

Binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti.

Kahit nag-lelecture ay tuloy pa rin sa pangungulit si Arvie, ang sarap niyang pasakan ng nilamukos na papel sa bibig. “Konting tiis na lang, Jeceline,” kumbinsi ko sa sarili ko. Last subject naman na iyon para sa araw na iyon at mananahimik na ang buhay ko pagkauwi.

Song-inspired Single Shot StoriesWhere stories live. Discover now