17

5.7K 124 57
                                    

Minerva's POV

Nag hulog siya ng tokens, at nag simula na yung laro.

"Come here..."

Ha? Eh, hindi naman ako marunnong mag shoot ehh...

Pwumesto siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko... May pinagsasabi siya tungkol sa proper na paghawak ng bola, pero, di ko na siya maintindihan...  Kasi, sumesentro na sa utak ko ay ang posisyon namin...

Kyaaaaaaah! Ano ba to!! Nakakhiya... Nakadikit yung dibdib niya sa likod ko... Di na ako makapag isip ng maayos... Tapos, rinig ko yung beat ng heart niya, at yung hininga niya sa may tenga ko... nakikiliti ako...

Nawala yung lakas ko sa braso ko... Pero dahil hawak niya ito, hindi naman bumagsak... Ayaw ko na!!! Lakas na ng pintig ng puso ko... Parang puputok na!!!!

Sabay naming shinoot yung bola... Thank God at pasok naman...

"Kuha mo?"

Wala naman akong narinig kahit na malapit lang yung bibig sa tenga ko... "Ha? P-parang.."

Umalis siya sa likod ko... "Good. Sige nga, mag shoot ka nga..."

Pinulot ko yung bola... "G-ganito?"

"Aish... Hindi.. mali yan... Ganito oh..."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinosisyon sa bola... "Ganyan... Sige nga, ishoot mo nga..."

Okaaaaay. here it goes... "Dang." tumama siya sa ring, kaya hindi pumasok... Kainis naman... Napatingin ako kay Kenji... Nakasmile siya habang tinitingnan ako... Nagtama ang paningin namin...

"Ahh, ulit ulit." kumuha ulit ako ng bola at shinoot... "Yaaah!"

Tumama ulit siya sa ring at hindi pumasok... Kumuha ulit ako ng bola at nag try uli...  Kainis, pang ilang try ko na ba to... Si Kenji, parang aliw na aliw sa panonood sa akin... Amp..

"Ito, last. Pag di to ma shoot, di na ako mag lalaro." sabi ko... Pilit kong inalala yung mga sinabi niya about proper positioning ng kamay sa  bola...

Shinoot ko na siya...

"Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeees! Kenji, kita mo yun!! Na shoot siya!!! Yeeees!" lumapit ako sa kanya at napayakap...

OMG...

Agad akong bumitaw... 'S-sorry."

Ginulo niya ang buhok ko. "Okay lang..." biglang nag beep yung machine... Tapos na pala yung time... At hindi siya nakapag laro... lumabas ang dalawang ticket... Dalawa lang pala yung pumasok... kahiya naman oh...

Shes Dating the Gangster: One more Chance (FanFict)Where stories live. Discover now