Chapter 19

506 16 4
                                    

ARIA'S POV

Ang bilis ng panahon, patapos na agad ang first sem. Salamat naman at nakaraos na din, hindi na ako mashadong nabubully nila Zharm, bukod kay Lester, natatakot na din sila dahil ang bestfriend ko na si Kath ang nililigawan ng famous Daniel Padilla. 1 more week finals na namin pagkatapos, sembreak na! Yes! 

I'm on my way to my class nang biglang sumulpot si Lester. "Hi bestfriend!" 

Napaiwas pa ako dahil muntik niya na akong mabangga, "Psh, Hi? So?"

"Ang aga-aga nagsusungit ang bestfriend kong maganda ah." habang nakaakbay pa sakin. 

Okay, ang awkward -_-" Tinabig ko siya kaya natanggal ang kamay niya sakin, "Dami daming nakatingin e." sabay irap ko pa sa kanya.

"Ikaw talaga, kaya mahal na mahal kita e."

"Mahal na mahal?" tinaasan ko siya ng kilay.

"*claps* Bilang bestfriend. Ano ka ba. Assuming. Oyyy!" inirapan ko na lang siya at sabay talikod, ugali niya kasi yan. Mangaasar.

"Saglit lang! Kita tayo mamaya ah?"

"Oo na, sige na. Go." tinaboy ko na siya. 

At nakasalubong ko naman si Kath, Daniel at yung isang kabanda pa nila, si Katsumi. "Hi there." bati ko.

"O, Ayan Dj ha. May kasama na ako. Pwede ka na bang umalis?" tanong ni Kath kay Dj. Hahaha. Ayan na naman si DJ. Todo bantay na naman.

"Osige po. Aria! Kaw na bahala ha? Kapag may lumapit na lalaki at balak diskartehan ang future girlfriend ko, bantaan mo ha?"

"Psh. Tigilan mo ko. Hindi ako gwardya no."

"Ikaw naman, okay lang yan! Libre ka nalang ni Lester. Promise. Hahaha! Osiya, sige na babye! Bye kath. Love you. *flying kiss*"

Inirapan lang siya ni Kath. Haha nakakainggit, sana makakita din ako ng ganyang lalaki. "O tara na?"

"Sige." at pumasok na kami sa room namin.

KATSUMI'S POV

"Sige brad, mamaya pa klase ko. Mag-aaral muna ako" paalam ko kay DJ habang pumasok na siya sa room niya.

Namromroblema ako sa homework ko sa college algebra, hedepotek. ang hirap!

Ay nalimutan ko. Ako nga pala si Katsumi Kabe, kasali akio sa bandang parking five. Nahihiya man akong aminin pero sikat ako sa university na to. Gwapo e. Pero nakakahiya ding aminin na bobo ako sa math! Bata pa lang ako nang sinumpa ko tong math.

Binabayaran lang kasi namin yung teacher para pumasa ako e. Secret lang yun ha? Psh, desperado nakong makapasa! 

"Ay sorry!" aksidenteng may nabangga akong babae. "Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga." habang pinupulot ko ang gamit niya.

Bumungad sakin ang quiz paper niya sa COLLEGE ALGEBRA. 100%

WOOOW ang talino niya. May naisip ako, bakit hindi kaya..gamitin ko ang kasikatan ko para makapasa sa homework na to? HAHA "Psh, di ka nag-iingat! Hindi mo ba ako kilala?"

"Ah..e kasi sorry! Hindi ka din naman natingin sa dinadaanan AY SORRY KATSUMI KABE? NAKOO SORRY." halos mataranta siya nang makilala niya ako.

Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon