PKNB--12

670 4 0
                                    

KATH's POV

THIS IS NOW OR NEVER.

Sana sa pagpunta ko dito sa Nueva Ecija. Maiwanan ko na ang sakit. Ang sakit dito sa puso ko.

Na malapit ng kunin at ipagkait sa'kin kung pa'no maging masaya.

Kahapon, nagpunta ako sa ospital. Wala. Naku-curious ako sa sinasabi nina Mama nung isang araw.. Baka kasi may sakit ako. Hindi ko pala nalalaman. Looks like, napagtripan na naman ako ng tadhana.

May sakit ako sa puso.

Ewan ko pero parang matagal na 'to. Hindi lang napagtuunan ng pansin dahil busy sila sa pagpapalago ng isang kumpanyang hindi naman pala kami ang may-ari. Na nakuha lang namin sa isang krimen. Na nakuha ng dad ko illegally. Hindi sa'min nagsimula. Dahil yung ama ni Ate Yen ang nagsimula nun. Isang maliit na negosyo. Alam mo kung kanino yon?

Sa totoong magulang ni Ate Yen.

Ayos 'no? Si Kuya DJ, inampon. Si Ate Yen, inampon. Baka pati ako, ampon?

Sana nga. Mas ayos pa kung ganun.

PERO HINDI EH.

Totoo nila akong anak. At pa'no ko nalaman?

*FLASHBACK..

"Hindi pwedeng malaman ni Kath. Baka di niya kayanin. Alam mo naman ang kalagayan niya diba?" Sabi ni Mama.

"Oo nga. Pero kasi, baka pag nalaman niya, magtampo pa yun." Sagot naman ni Papa.

"Kaya nga hindi niya dapat malaman! Baka lumala pa siya!" Ganting sigaw naman ni Mama.

"Pero kelangan na niyang malaman na hindi natin tunay na anak si Yen! Na anak siya ng tunay na may-ari ng kompanya natin! Na anak siya ni Sir Santos! Anak siya ng boss natin! Na napatay ko ng hindi ko naman sinasadya! Na siya ang nag-iisa nating anak.. Kasi, kahit anong pilit nating itago ang katotohanan. Lalabas at lalabas yun eh." Sabi ni Papa.

"Pero pa'no naman siya? Yung puso niya?" -Mama

"Siguro, maganda kung ituloy na natin ang pagpapagamot sa kanya." -Papa

Paglalaruan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon