Chapter 13: Eeyah Santiago

16 9 1
                                    

"Hello? Napatawag ka? Okay ka na ba?" Tanong ko kay Jiro.

"Ah ma'am?" tanong ng assistant ni Jiro.

"Oh sorry, akala ko si Jiro."

"Okay lang po."

"Okay, ano ba yun? At napatawag ka?"

"Eh ma'am kasi, si Sir nilalagnat sobrang taas po ng lagnat niya. Eh ang kaso po, tumawag kapatid ko kanina naospital daw po si mama. Kaso walang magbabantay kay sir kaya di ako makapunta kay mama."

"Ganun ba? Okay pupunta nalang ako diyan, dadalhin ko si Jiro dito sa ospital at ikaw? Pumunta ka na muna kay mama mo."

"T-talaga po ba ma'am?"

"Of course, sige na pupunta nalang ako diyan."

"Thank you ma'am!"

"You're welcome."

Pagkapatay ng tawag ay umalis agad ako upang kunin si Jiro, pagpasok ko ng kwarto niya ay pawis na pawis siya at sobrang init. Dahil sa nakita ko dinala ko kaagad siya sa ospital para na rin maipagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina.

Nang maiayos na ng mga nurse ang lagay ni Jiro ay bumalik na agad ako sa aking ginagawa. Ilang oras pa ang lumipas ay sa wakas, nagising na si Jiro pero hindi pa rin siya ganun kalakas.

"Eerah?" Tawag saakin ni Jiro habang inaasikaso ko ang pagkain niya.

"Wag ka na muna bumangon diyan." Sagot ko.

"What happened?"

"Nilalagnat ka, antaas ng lagnat mo. Alam mo ba yon? Dapat kasi di ka na uminom kahapon."

"Sorry, nga pala? Anong nangyari kahapon?"

"Kahapon?" Sagot ko habang isinusubo sakaniya ang kaniyang pagkain.
"Pasensiya na, di gaanong masarap." Dagdag ko.

"Ayos lang, oo kahapon."

"Well, nung lasing ka na. Uhm you're slicing the pineapple and keep on shouting "SpongeBob! Stop hiding inside that pineapple!" Tas bigla ka nalang nakatulog."

"Really? Did I find him?"

"Ewan ko sayo." Sagot ko sakaniya at iniabot ang pagkain niya.

"Hey I'm just joking."

"Joke your face!"

"Para ka talagang si mama hm!"

"Wow ha? Aalis na ko."

"Okay?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nakatulog muli si Jiro, bago ako lumabas ay inayos ko na muna ang higa ni Jiro.

Chasing Sunsets [✓]Where stories live. Discover now