Chapter 1: Meet Ella

141 6 3
                                    

Chapter 1: Meet Ella

I am an ordinary student with an ordinary life,

Until that day.

Luna's Point of View

It was the ray of the sun slicing the back of my eye lids that woke me up. I forced open my eyes, I used the back of my left hand to block the annoying sunbeam.

Pinilit ko ang sarili na bumangon kahit na sobrang inaantok pa ako at umupo lang muna sa higaan. Pumikit ulit ako, pilit na tinataboy ang antok. Bakit ba kasi hindi ako morning person?

Umaga na kaya sandali kong hinintay na tumunog ang alarm clock ko. Akala ko wala na akong maririnig nang may sumigaw.

"LUNA?" I smiled. "HOY LUNAAA! BUMANGON KA NA JAN!" sigaw ng lola, as what I have expected.

"HOY! HOTEL DE LUNA! BUMANGON KA NA!" pasigaw ulit na tawag ni lola. I smiled and grogginess suddenly left me. Tumayo na ako at napailing nalang.

"LUNAAA!"

"Oo na, Lola!" pasigaw na sagot ko at sinimulang inayos ang higaan ko. "Gising na po ako!" sigurado akong nasa kusina lang si Lola.

Bata pa lang ako ganyan na ang ginagawa ni Lola pag umaga. Lalo na kapag ka may pasok. Second week na kasi simula noong nagsimula ang klase. Fourth year high school na ako pero hanggang ngayon gano'n parin si Lola sa akin. Nasanay na rin ako, kaming dalawa nalang kasi ng lola ko ang mag-kasama dahil namatay pareho sa car accident si mama tsaka si papa.

Pagkatapos kong naligo at nagbihis, lumabas ako ng kwarto at sakto namang palabas ng bahay si Lola.

"Good morning, Lola." Bati ko sa kanya nang nakangiti pa.

"Luna, apo, may hinanda na akong breakfast sa mesa, kumain ka na at baka malate ka pa. Naku pagong ka pa naman." Pang-aasar ni Lola na parang hindi narinig ang bati ko. Napasimangot nalang ako at diretso nang kumain.

Pagkalabas ko ng gate ay may napansin agad ang mata ko. Sa kabila ng kalsada, kaharap ko ay may misteryosong lalakeng nakatayo. Nakasuot siya ng blue pants at black leather jacket. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya at tinatakpan ito ng itim na hood. Tanging nakikita ko lang ay ang makapal niyang balbas.

Nakatayo lang siya doon, halos hindi gumagalaw. Napatingin ako sa paligid at marami namang tao. Pumara ako ng taxi, bago ako pumasok ay binalikan ko ng tingin ang lalake sa kalsada.

Ngunit pagtataka ang sumakop sa akin dahil hindi ko na nakikita ang lalake. Napatingin ako sa paligid. Mga taong nag-uusap, naglalakad, nag-jojogging, ngunit wala ang lalake.

"Miss?" takang tanong ni manong driver sa akin. Tumingin ulit ako sa paligid bago ako tuluyang pumasok sa taxi.

"Sa Gale Academy po, manong."

Pumikit ako nang mariin at pilit na binalewala ang nakita kanina.

Nasiraan ang unang taxi na sinakyan ko kanina kaya sumakay na ulit ako ng isa pang taxi. Kaya pagkarating ko sa gate ng school ay 15 minutes late na ako sa first period ko, rumampa nalang ako sa loob ng school dahil late na rin naman ako, wala na akong mapapala kung magmadali pa ako.

Wala namang kasing pinagkaiba ang 15 minutes late sa 30 minutes late, pareho lang ang resulta, papagalitan at ipapahiya lang sa classroom. Kaya lulubusin ko na.

Bago marating ang classroom ko ay kailangan ko pang dumaan sa park ng school. Tinignan ko ang paligid ng park, may mga estudyante rito. Ang iba ay nakaupo sa stone bench at masayang nag-uusap na parang walang pasok.

Ang iba naman ay nakaharap sa libro at notebook na kulang nalang ay kainin na nila ang hawak na notebook at libro. Don't get me wrong I don't hate schooling, I mean school is fun, but studying is not.

System of CodexWhere stories live. Discover now