36

38.2K 1.8K 1.5K
                                    


Tormenting

"Why did you do that?" Tanong ni Eris nang makarating kami sa car park.

I gasped and took some gulp bago ko s'ya harapin. "Maybe because..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Honestly, hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. Nabigla lang ako sa sinabi ko. Pero, siguro para matahimik na rin ang Mommy ni Xyzhie.

"You're her ex, and it's Xyzhie's birthday. Pwede naman sigurong--"

"You surely think of it?" He looks fly off the handle but trying to stay calm in front of me.

Napatungo naman ako, "I'm sorry."

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito bago muling magsalita.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon," he halted. "I dislike the way she talks to you as well."

Umangat ang tingin ko rito.

His face turned into worried and concerned reaction.

"You sure you want to attend?" Muli nitong tanong.

"Yes." Tanging sagot ko kasabay ng pagtango.

Hindi naman na kami pwedeng tumanggi dahil naka-oo na.

Hindi ko alam kung bakit ang tanga ko rin talaga minsan!

Hindi na nagsalita si Eris dahil sumakay na ito sa motor pagkatapos n'ya akong titigan ng ilang minuto at isuot sa'kin ang helmet na gamit ko kanina.

I put my hand around his waist at hinigpitan ang pagkakayakap.

Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala. Kasama ko si Eris at tsaka kaya ko namang lumaban.

Kaya kong labanan si Xyzhie kung may binabalak man s'yang hindi maganda.

Mabilis din naman kaming nakarating sa condo at hindi rin ito nagtagal doon.

Pagkatapos kong maligo, naupo ako sa study table at tinawagan si Maddy.

As far as I know, bukas ng hapon gaganapin ang birthday party ni Xyzhie.

Kailangan ko ng tulong ni Maddy.

Kaagad kong kinuha ang cellphone at dinial ang kan'yang number.

Ilang minuto naman ang nakalipas bago n'ya masagot ang tawag.

"Oh?"

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at dinaretso ko na s'ya agad.

"I badly need your help. Pupunta kami ni Eris sa birthday party ni Xyzhie..."

"What? OMG! Kelan? Tsaka wow, who invited you?"

Sunod sunod na tanong ni Maddy, mababakas din sa boses nito ang pagkagulat.

Bumuntong hininga naman ako pagkatapos ay sandaling ipinikit ang mata.

"Ganito kasi... nasa Bay Area kami ni Eris kahapon ng gabi. Tapos nung pauwi na kami, may nakasalubong kaming babae. Akala ko, tita ni Eris! Mommy pala ni Xyzhie 'yon!" I narrated.

Hindi ko naman natapos dahil nagsalita kaagad ito.

"OMG! Oh tapos? Hulaan ko minalditahan mo?!"

"Bobo, hindi!" Umirap ako kahit hindi n'ya kita. "Tapos no'n, in-invite n'ya si Eris sa birthday ng babaeng 'yon. Eto namang si ako, umo-o sa alok ng nanay ni Xyzhie."

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now