NBNP ♥14♥

697 9 4
                                    

*MR. SAXOBEAT*

Kaye POV

"Girl Ikaw ng swerte sa araw na to!" [Angel] Papasok kami ngayon sa bahay ko. 

Wala kasi ang mama niya kaya naman dito siya matutulog sa amin. Maganda na rin yun para naman may kasama ako dito, hindi yung puro maid lang namin ang nakakausap ko dito.

"Anong swerte doon? Sobrang malas kaya ng araw na to. Nabuhusan ako ng juice." pagrereklamo ko.

"Dalawang halik sa magka ibang lalaki." [Angel]

"Angel naman? Saan ang part na swerte doon?"  Pag naaalala ko yan bigla na lang ako namumula.

"Ikaw na talaga mahaba ang hair." [Angel] Hindi ko na lang siya sinagot, dumiretso na kami sa kwarto ko.

"Namimiss ko na ingay niya. Ang lungkot ng bahay niyo simula nung mawala siya." [Angel] I just nod.

"Tara kain na tayo." Pag aaya ko sa kanya, ayaw ko ng alahin ang lahat ng mga nangyari. 

Bumaba na kami sa sala para mag snack at manuod ng movie.

"Aaaaahhhhhhhhhhh" sigaw ni Angel nanunuod kasi kami ng paranormal activity. Tawa ako ng tawa sa mga reaction niya. Naku tong babae na to!!! Matatakutin talaga.

"Oo nga pala sabi ni Ryan punta daw tayo mamaya sa bar nila." [Angel]

"Bakit naman?" pagtatanong ko sa kanya.

"Magcecelebrate daw tayo dahil successful ang mga performances natin." [Angel] 

"Ok sige."  Pagkatapos namin panuorin ang Paranormal Activity naligo na kami. 

Natuwa pa ako kay Angel ayaw kasi mag paiwan sa C.R, antayin ko daw siyang matapos baka daw kasi multuhin siya o kaya hilahin na lang bigla.

Naka pag bihis na kami ready to go na. Sumakay na kami sa kotse ko. Hinding hindi ako maglalasing dahil may pasok pa bukas. Pumasok na kami sa loob ng bar at hinanap ang mga kasama namin. Sa sobrang ingay at dami ng tao hindi namin sila makita.

"Angel!" [Heidy] 

"Ayun sila Girl."  turo ni Angel.

Aba kanina pa ata sila dito dami kasing alak sa lamesa.

"Kanina pa ba kayo dito?" [Angel] 

"Oo! late kayo." [Nadine] lasing na ata ito.

"Tara shot na!" [Heidy] Umupo namang itong si Angel at kumuha ng isang bote.

"Kaye Halika kana oh!" [Angel] pinapatabi niya ako sa kanya tapos inaalok pa ng alak. Kinuha ko na lang yung alak. 

"Ok na ako dito."  Nakatayo pa rin ako. 

"Ok ka dyan? Kumuha ka pa mamaya." [Nadine] Hala lasing na talaga to.

"Hindi ako pwede uminom ng madami dahil walang magdridrive mamaya." [Kaye]

"Naku ako bahala sa inyo. Ipapahatid ko na lang kayo." [Ryan] I just nod.

"Mag lilibot muna ako ha!" Dala dala ko yung isang bote ng alak. Iniinom ko siya habang naglalakad sa loob ng bar. 

Naubos ko na nga eh!

No Boyfriend No Problem (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon