Chapter Six

107K 2.1K 136
                                    

                PARA siyang tangang nakatingin lang sa mga pasyente na nagla-line up para sa kanilang turn. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari noong nakaraang gabi at hindi pa rin niya naiiwasang pamulahan ng mukha. It wasn't the first time they kissed, he kissed her twice—no she kissed him first and then he kissed her again and then last night they both kissed each other.

Nothing happened, they just kissed.

"Hoy, lutang ka doktora ah nakadrugs lang?" napasulyap siya sa tumabig sa kanya. Kung hindi lang siguro siya sanay malamang ay nabulagan na siya sa pulang buhok ni Zyrene na kasali sa medical mission na iyon. Sanay na siyang nakikita ito dahil kung saan may medical mission ay nandoon din ito kasama ang mga kaibigan nito.

It is a secret na ito at ang mga kaibigan nitong nasa paligid lang ay college bestfriends and they belong to a secret sorority na iilan lang silang may alam. Sabi ng leader ng mga ito na nakasanayan na nilang sumama sa mga medical missions o kaya naman ay any events na kailangan ng tulong nila. Even after ten years daw since nagkasama-sama sila ay naging panata na nila ito. At madalas na niyang nakakasama ang mga ito kaya medyo naconsider na niya ang mga ito as friends.

"May ka-espegee ka last night no?" tukso nito sa kanya, bigla siyang namula at napansin nito iyon kaya mas lalo itong nanukso. "Ayee, tunay nga may-." Mabilis niyang natakpan ang bibig nito.

"Baliw ka Zyrene, wala akong ka-spg kagabi."

"Eh bakit ka nagbablush na kasing pula ng buhok ko?" tukso uli ng dalaga, nagsidatingan naman ang mga kaibigan nitong mukhang tapos na rin sa pag-aasikaso ng mga dapat gawin nila.

"Ano na naman iyan Zyrene nambully ka na naman at si Doctora pa talaga ang napagtripan mo ha." Sita ni Karylle na isang policewoman pero kung titingnan mo mas dadaigin pa siya nito sa pagiging model.

"May narinig akong ka-es-pe-gee daw, sino? May scandal ba? Pahingi naman love much-." Nabatukan na ni Monique na isang kilalang director ng mga commercials sa TV ang nagsalitang si Diana Rose na isang call center supervisor.

"Ang bibig mo nakakahiya sa mga bata, at sa aming innocent ears." Sita ni Monique. Bigla namang dumating si Monica, isang teacher na parang doll sa ganda pero sobrang tahimik naman, ibinigay nito ang dala nitong box kay Diana.

"Ang bigat Nica." Reklamo ni Diana pero hindi ito pinansin ni Nica at basta nalang umalis. Napatingin siya kay Georgette at kay Crischel ang tanging matitino lang sa siyam. Nine lang sila na nandito kasi nasa ibang bansa iyong isa. "Isusumbong kita kay Master dahil binubully mo ako sasabihin kong umuwi na siya dito para parusahan ka."

Lumingon lang si Nica kay Diana, "Kung kaya mo siyang pauwiin dito." And the beautiful woman snickers. Kung siya ang student ni Nica malamang wala siyang matututunan dahil kontento na siya sa pagtitig dito keysa sa makinig sa tinuturo nito lalo pa at Math iyon, she likes math but she loves break time. Tumawa naman iyong babaeng maganda na tahimik lang na si Chloe at si Ainsley na nakaparasol sa ilalim ng tent kahit na hindi naman mainit. Trip lang ng magkakaibigang ito.

"Ang daya naman." Naramdaman niyang hinila na siya ni Zyrene palayo sa mga kaibigan nito at mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit siya nito hinila dahil may gusto itong malaman.

"Wala nga Zyrene."

"Aminin mo na kasi Nao you and him kissing under the-,"

"Kiss lang iyon at walang spg." Tuluyan na siyang napaamin and she heard Zyrene squeak like a rat na naipit sa kung saan.

"Sabi ko na nga ba may kaespegeehan ka kasi naman ang lutang mo doktora. Boyfriend mo?"

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon