TRO #3

413 9 0
                                    

TRO #3 : 

  Napakalaki ng pasasalamat ko kay Ate Tulip kahapon . Whoo ! Save by the bell ang peg niya . Magsasalita na sana ako kahapon na ayokong lumangoy ngunit napigil iyon ng tawagin kami ni Ate Tulip na kakain na . Whoo ! Kinabahan talaga ako kahapon , akala ko katapusan na ng buhay ko . Sa tana ng buhay ko , kahapon ko lang naramdaman ang pakiramdam na para ka ng bibitayin dahil sa kaba at takot na nararamdaman m. Wooo ! Di ako makaget over tukneneng waaa~ .

Holding hands kami ngayon na naglalakad lakad sa parke ni Sho . Kating kati na nga ako na tanggalin ang pagkakahawak nito sa kamay ko e , pero di bale nalang , baka makahalata pa iyon kapag ginawa ko iyon .

Napakalaki ng pinagkaiba ng lugar na ito sa lugar namen . Dito , arami kang makikitang malalaking gusali ,  ngunit doon sa amin , mas malaki pa ang malalaking puno kesa sa gusali . Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom , kaunti lang kasi ang kinain ko kanina na umagahan . Baka kasi magtaka na si Sho kung bakit anlakas-lakas ko na kumain daig ko pa ang naglilihi at ayon kasi sa ankasulat sa info about kay Lianna . Napaka konti nitong kumain at kulang nalang hindi sumubo , kaya napaka ganda ng katawan , sexy kung baga . Sexy rin naman ako e , pero hindi ako kasing sexy ni Lianna ng makita ko ang larawan nito . Bakit hindi kaya iyon napansin ni Sho ? doon palang napakalayo na namen sa isa't isa .

" Waaa~ fishballs ! Tara bili tayo Sho " hindi ko na siya hinintay pang sumagot ng hilahin ko nalang siya bigla patungo sa nagtitinda ng fishballs . Nestfruta lang ! Antagal ko na ring hindi nakakakain nito . Binitawan ko ang kamay ni Sho ng makiarating na kami doon " Kuya pabili po ng fishballs "

" Ilan Iha ? "

" Dalawang baso po , tag sampo po ang laman " tumango naman si Manong tindero ng fishballs . Naipapahid ko naman ang dila ko sa labi ko dahil natatakam na ako . Kumuha narin ako ng dalawang stick " Kuya lagyan niyo po ng suka " tumango ulit si Kuya . Nae-excite naman akong tinitignan si Kuya habang nilalagyan nalang niya ng sauce ang binili kong fishballs sa kanya .

" Heto Iha " dumukot naman ako sa bulsa ko ng bente pesos at inabot iyon kay Manong bago kinuha sa kanya ang dalawang baso ng fishballs .

" Salamat po Manong " nakangiti kong pasasalamat . Humarap naman ako kay Sho na kanina pa ay walang kibo na nasa likuran ko " Heto oh ? " sabay abot ko sa kanya ng isa . Pero nagtakha ako ng hindi niya ito kunin at napansin ko rin na para bang nakatingin lang ito o mas magandang sabihin na nakatulala ito saken . Eee ? bakit ? " Uy Sho ! " kumurap-kurap naman ang mga mata nito na nagsasabing bumalik na ang isip nito sa katinuan " Anong nangyare sa'yo ? bakit bigla ka nalang natulala ? " takhang tanong ko sa kanya .

" K-kumakain ka ng street food ? " napakunot ang noo ko ng dahil sa naging tanong niya .

" Oo naman , ito kaya ang isa sa mga --- " nahinto ako sa pagsasalita at napatakip ng bibig ng marealize ko kung ano ang ginawa ko . Paktay ! Im Dead in english , mete naku in kapampangan , patay ako in tagalog , Jug-eun im in  korean . Waaaa~ ang shonga-shonga mo Shin ! Ang shonga-shonga mo ! Anong gagawin mo ngayon ? ano na ? paano na ? magbibigti kana ba ? tatalon sa mataas na building ? maglalaslas ? Ano na ? Waaaa ! " Hi-hindi ba ako kumakain nito ? " Good question Shin  , lalo mo lang ipinapahamak ang sarili mo . Wala na ! Sira na ang plano , tapos na ang pagpapanggap mo ! Tapos na Shin , Tapos na Shinara Bartolo---

" Ang cool , gusto mo narin pala ang pagkain na ganito ngayon ? . Aba naman ! Parang tatagal na talaga tayo nito baby " napanganga ako ng dahil doon sa sinabi niya ngunit binawi ko din agad dahil baka makita nito . Anong sabi niya ? Hanoraw ? 0.o .

The Real One |Short Story| ( Editing - Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon