Beks 17: Si Baklang Niko

657 45 6
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

"Nanjan na yung kotse niya!" rinig ko namang sigaw ng isang kasambahay. Nagsipilahan naman silang lahat sa gilid at sumama na rin ako.

May kotse naman na huminto dito sa harap ng mansion. Nagsiyukuan naman itong mga ito na siya namang ginaya ko. Nagbukas na yung pintuan ng kotse sa likod. Iniluwa naman nito ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita. Hindi ko makita nang maayos yung mukha niya na dahil nga sa nakayuko ako.

Naglakad naman na siya sa papasok ng mansion. Gusto ko talaga makita yung mukha niya kaya naman inangat ko yung ulo ko. Napatigil naman siya sa paglalakad.

"You!" bigla niya nalang sambit. Humarap naman siya dito sa puwesto ko kaya naman dali-dali kong binaba ulit yung ulo ko.

"Sino ka para iangat ang ulo mo?!" rinig ko namang sigaw niya. "Hey I'm talking to you!" sabi niya ulit, sino ba yung tinutukoy niya,lumapit naman siya sa harap ko at nakita ko naman ang pares ng sapatos sa harapan ko.

Ako ba iyong nakita niya? Eh nakatalikod naman na siya eh, may mata ka sa likod sizt?!

"Kuya Jace!" tawag niya naman kay kuya Jace, dali-dali naman siyang lumapit sa taong ito.

"Yes po Sir?" ang sabi niya naman, hindi ko makita kung anong nangyayari nang dahil nga sa nakayuko pa din ako.

"Fire him, right now!" rinig ko namang sigaw na galit niya.

"I'm afraid I can't do that sir," mahinahon namang sagot niya sa taong ito.

"At bakit naman?" takang tanong niya naman.

"Siya po ang bagong personal maid ni Sir Harold" mahinahong paliwanag naman ni Kuya Eyah.

"Ganon ba? Hmm, wala akong pake, fire him right now!" sigaw niya ulit. Di ko makita kung paano to magalit kasi nga nakayuko pa din ako.

"Sir, pasensya na po talaga, bago lang po kasi siya," nagulat naman ako at nagsalita itong si Aling Linda na nasa tabi ko.

"Is that so Nay Lin? Okay fine," sabi niya naman at nawala na yung pares ng sapatos sa harap ko. Nakakatakot namon iyon, jusko. Matapos ang nangyari kanina ay nagsi-alisan na yung ilan sa mga nandito nang makapasok na yung lalaking iyon, lalaki nga ba?

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now