Epilogue

78 8 0
                                    

Maxwell's POV

We're ok now and we're stable. Wala na akong mahihiling pa. Nakangiti akong naka-titig kay Faye habang masaya siyang nakikipag-usap kay Farrah parang dati lang magkaaway ang dalawang yan ngayon bestfriend na sila.

Dalawang taon na din ang nakalipas at masasabi kong masayang-masaya na ako ngayon sa buhay ko.

Sa ngayon nasa amerika na ulit si Danie masaya na din siya dun at may nakilala na siyang bagong lalaking magmamahal sa kanya.

Humingi rin nang tawad sa akin si Tito Rico dahil sa nagawa niya nagalit daw siya nang sobra nang malamang iniwan ko si Danie dahil dun nagawa niya sa akin yun pero pinatawad ko na ayoko nang lumaki pa yung gulo, Hindi na rin ako nag-sampa nang kaso kakalimutan na lang namin yung mga nangyari noon.

Tumayo ako at lumapit kay Faye sumimangot naman sa akin si Farrah.

"KJ mo Maximo nag-uusap pa kami eh"

Pabiro ko siyang tinulak tumawa si Faye dahil sa ginawa ko.

"Tigil tigilan mo na ang pagtawag sa akin nang Maximo para akong kidnapper dahil sa pangalan na yan"

"Maximo Maximo hahaha"

Tumakbo si Farrah na tangkain ko siyang itulak ulit ngumisi na lang ako at huminga nang malalim. Akalain mo nga naman dati si Farrah ang pinangarap kong makasama habang buhay pero sa taong kinaiinisan ko ang endgame ko.

Inakbayan ko si Faye at hinawakan ang kamay niya kung saan suot nang daliri niya ang singsing. Nag-propose na ako sa kanya last week and we're getting married.

Si Kuya Louie, ayun bumalik sa pagiging chickboy tss bagay sila ni Farrah eh pero pakiramdam ko si Faye talaga yung minahal niya nang sobra, naging karibal ko man siya pero mas nanaig pa rin ang pagiging magkapatid namin at sobrang saya ko na dun.

Si Farrah naman guess who kung sino ang nanliligaw sa kanya ngayon? Yung pinsan ni Faye na si Brad akalain mo yun wala eh sadyang misteryoso talaga ang pag-ibig.

"Wala na akong mahihiling pa, Faye" humarap siya sa akin at niyakap ako sa batok hinawakan ko ang bewang niya at tumitig sa mga mata niya.

"Ako din Max. Nalampasan natin lahat  nang pagsubok babe at ngayon magiging stable na tayo"

"Alam ko susubukin pa rin tayo ni tadhana pag naging mag-asawa na tayo pero hindi tayo matitibag"

"I love you so much, Maxwell Andrada"

Ngumiti ako at dinampian nang halik ang noo niya. "I love you more, Faye Perez, soon to be Mrs. Andrada"

"Kayong dalawa mamaya na yang landian tinatawag na kayo dun" inismiran ko si Kuya na nakangisi ngayon may kaholding hands na naman siya ngayon ibang babae na naman napailing na lang ako. May binulong siya dun sa babae kaya nauna itong pumunta nang mansiyon.

"Tara"

Hawak kamay kaming lumapit ni Faye sa kanila. Pabiro kong sinapak sa braso si Kuya natawa naman siya.

"Sino na naman yan, Kuya? Ikaw talaga mas malala ka pa sa babaero"

"Ganito talaga pag gwapo kapatid"

"Tingnan lang natin kung masasabi mo pa rin yan pag dumating na yung babaeng nararapat para sa'yo"

"Hindi ako gagaya kay Maxwell na marupok" tumawa kami.

"Atleast loyal di'ba babe?"

Tumango si Faye at nilagpasan na namin si Louie. Lumapit kami kina Mama at Papa pagpasok namin nang mansiyon ngumiti kami dun sa babaeng kasama ni Louie. Nandito rin si Brad ayun nagla-landian na sila ni Farrah.

"Hi Ma, Hi pa" humalik kami sa pisngi nila paparating pa lang daw ang pamilya ni Faye. Ano ba ang meron ngayon? Hulaan niyo?

"Happy Birthday Babe" dinampian nang halik ni Faye ang labi ko. Ngumisi ako ngayon alam niyo na oo birthday ko ngayon. May binigay na box sa akin si Faye.

"Open it later, Babe"

Tumango ako at hinawakan yun nang mabuti. "Thank you, Babe"

Nang dumating na ang pamilya ni Faye nagsimula na kaming mag-celebrate. Ngumiti ako at huminga nang maluwag sobrang saya ko na. Eto ang kwento namin ni Faye hindi man maganda ang simula nang pagkakilala namin naging maganda naman ang Ending namin. This is The Story of Us.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now