Chapter Two

15 5 2
                                    

*8 years later*

Audrey's POV

KASALUKUYAN akong nakaupo sa wheel chair dito sa tapat ng condominium/ hotel na pagmamayari namin. Kanina pa ako nandito sa labas at pinagmamasdan ang mga taong naglalabas masok sa building.

Nang magsawa ang mga mata ko sa katitingin sa mga tao ay napagpasyahan ko nang pumasok sa loob. Pinaandar ko na ang aking wheel chair at dumiretso sa loob ng building. Napansin ko na naagaw ko ang atensiyon ng halos lahat ng tao doon sa lobby. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nagtuloy-tuloy ako papuntang reception at naabutan doon ang isang magandang babae na hindi katangkaran.

Bago ako humarap sa kanya ay inayos ko muna ang suot kong fitted black  and white stripes na dress na nagpalitaw sa aking kaputian at sa magandang hubog ng aking katawan. Inayos ko din ang pagkakatalukbong ng puting balabal sa ulo ko.

Pagkaharap ko sa receptionist ay nginitian ko siya at nakita ko ang pagkilala sa kanyang muka. Gumanti siya ng ngiti bago nagsalita.

"Magandang umaga po sa inyo Ms. Sanchez!" Magiliw na sabi niya sabay yuko ng bahagya.

"Clhoe, ilang beses ko na bang ipapaalala sayo na Audrey na lang ang itawag mo sa akin! Halos ilang buwan na kitang sinasabihan tungkol dyan!" Nagtatampong sabi ko.

Inilapit niya muna ng kaunti ang muka niya sa tenga ko bago nagsalita.

"Eh mis--Audrey, hindi pa rin kase ho ako nasasanay saka baka marinig ng ibang katrabaho ko at masabihan pa ako na di ko kayo ginagalang!" May halong inis na paliwanag niya.

Mas lalo naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sa tinagal-tagal ko nang nakatira dito, si Chloe lang ang naglakas loob sa mga trabahador dito na kausapin ako kaya kasama  siya sa maliit na bilang ng aking circle of friends.

"Haaay, o siya sige mauna na ako sa iyo kasi papakainin ko pa si Light. Dumaan lang talaga ako dito para kamustahin ka" nakangiting pahayag ko saka kumaway sa kanya at pinaandar na muli ang aking wheel chair.

Si Light ay ang alaga kong panda. 8 years old na siya. Regalo siya sa akin ni Daddy ilang weeks after kong makarecover sa car accident na nangyari sa amin ni mommy. Pinangalanan ko siyang Light kase isa siya sa nagbibigay sa akin ng liwanag tuwing nalulungkot ako.

Tinahak ko ang daan papuntang elevator.
Nakasunod pa rin ang tingin ng mga tao sa akin pero hinayaan ko na lang dahil sanay na din naman ako. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung kasing ganda ko lang naman ang dadaan sa inyong harapan?? ahahahaha charOt.

Sa sobrang occupied ng isip ko, di ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng elevator. Saktong bigla na lang itong bumukas at iniluwa ang dalawang babae na nakauniporme.

Marahil ay nagtatrabaho ito dito. Napagisip-isip ko.

Nakita kong nakatitig sa akin yung isa sa mga babae na may mahabang brown na buhok. Nginitian ko siya kaya ginantihan niya din ako ng matamis na ngiti. Palabas na sila ng bigla na lang nanlaki ang kanyang mata na tila ba namukaan niya ako. Bigla niyang inalog sa braso ang isa pa niyang kasama kaya napaharap din ito sa akin at lumaki din ang mata na tila ba may narealize.

Di na ako nagulat ng bigla na lang silang yumuko sa harap ko sabay karipas ng takbo.

Napangiti naman ako sa inakto nilang dalawa. Mukang natakot ko ata sila hahaha.

Bumalik ako sa aking katinuan ng makarinig ako ng mga tikhim sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ang limang anghel--este lalaki na nababagot na nakatingin sa akin. Tinitigan ko sila isa-isa at kinilatis.

Yung nasa dulo sa kanan ay mayroong pulang buhok at sobrang puting balat in short Muka siyang manok. Yung katabi niya naman ay sobrang tangkad at nagtataglay ng blonde na buhok at mapaghahalataan mong may dugo siyang kano. Itsura pa lang, mapaghahalata mo nang playboy. Yung nasa dulo naman sa kaliwa ay mayroong malaking katawan at puti na  buhok. Totoo kaya yung buhok niya? Or binleach lang? Yung katabi niya naman ay mayroong toned skin at magandang brown na buhok. Ang cute niya. Ganyan yung mga tipo kong lalaki. Yung mabait yung muka at awra. Panghuli yung nasa gitna. Meron siyang singkit na abong mga mata, napaka tangos na ilong na parang nililok ng isang magaling na iskultor, manipis na mapupulang labi, umiigting na panga, at magulong jet black na buhok. Muka siyang ano.. uhh.. anoo..basta!

My Four Legged GirlfriendWhere stories live. Discover now