Prologue

330 49 21
                                    


PROLOGUE

Welcome to Nadukot World. My name is Alice... Ang babaeng alis ng alis... Ang babaeng naniniwala na okay ng singkit atlis di amoy singit... Again my name is Alice, alis ng alis at may katagang "Potragis nadukutan pa nga"

"Bayad, Bayad nalang sa mga di pa nagbabayad dyan" Malakas na sigaw ng driver kaya naalingpungatan ako.

"Bayad" sabi ng katabi ko na nakakurbata pa.

Ganyang mga pormahan gusto ko dati ng di ko pa nakikilala jowa ko. Balak ko sana magapply ng magapply bilang katulong hanggang sa makabingwit ako ng engineer o kaya piloto na kasing edad ko, kaya lang tinamaan ako sa pulso, kaya nainlove ako sa mas bata saken.

"Wala ka bang barya?" sigaw nanaman ng driver tapos inangat pa yung isang libo.

Hindi ako taga province kung inaakala nyo taga Maynila lang din ako pero syempre dahil ako si Alice kaylangan ko umalis sa Maynila para magtrabaho sa Maynila din pero malayo sa bahay namen ng jowa ko.

"Keep the change" sabi ng katabi ko ng tignan ko naman sya ay patingin tingin sya sa daanan. "Patabi nalang po sa tabi" at tuluyan na ngang bumaba.

Live in kami ng jowa ko sa katunayan pinagaaral ko sya ngayon tuwang tuwa nga ko nung binilan nya ko ng Iphone 11 gulat nga ko nung nabubuksan yung likod. Thankful ako para pag naglag pwede ko tanggalin yung battery.

"Ingat ka neng" sabi nung nasa harapan ko at bumababa na.

Di ko naman sya pinansin dahil famous ako pero ng kapain ko ang Iphone 11 ko ay wala na sa bulsa ko...

"Potragis nadukutan pa nga"








Ligayainlongterm
All Rights Reserved

My Boss Is A Snatcher Where stories live. Discover now