My Music (Earphones Sequel)

67.2K 2.1K 404
                                    

Author's Note: As I promised to the readers, ito na ang sequel na inaabangan nyo. I know sobrang nabitin kayo dun but we'll see kung di kayo mabibitin dito. Let us start the story.
---------------------------------

Ohmygod. Nasabi ko na sakanya na gusto ko siya. Like wooooah. Nonononono. Nakakahiya!!!

Nandito pa rin ako sa canteen ngayon and I'm aware naman na 3 minutes nalang ay magta-time na kami pero uggghh!! Di ko alam kung pano ako babalik dun sa room. Feeling ko babagsak ako anytime kapag nakita ko uli si Carl. Like whuuut?

"Uy Cams! Parating na si ma'am. May reporting pa. Tara na!" tawag sakin ng kaklase ko. Shiz! Onga pala may reporting pa. Huhuhuhuhu!! Di pa 'ko ready. Ayoko naaaaaa!!!

Pero syempre sa huli, I took all the guts para maglakad pabalik ng classroom namin. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko kapag nagkita or nagkalapit man lang kami.

Teka nga! Bakit ba ako masyadong OA? Oo umamin na kami sa isa't isa pero wala naman sigurong magbabago diba?

Sana nga.

Naramdaman ko ang mga butterflies sa kalamnan ko na tila nagmamaktol. Well?, part of me wants a new thing to happen pero kasi I think this is not the right time. Ah basta! You don't get me, people.

Nakarating ako sa room namin at nakita kong magkakasana na ang bawat magkaka-group. So syempre, pumunta na rin ako sa mga groupmates ko at nakisali sakanila.

"Uy, anong date na ngayon? " tanong nang katabi ko sa katabi nya pa uli.

"February 10. Sa 12 na ang prom natin diba? " Ohhhh fudgeeee!! Halos mapatalon naman ako nang maalala ko ang prom. Hala, wala pa pala akong susuutin. Huhuhuhuhu!

Napatingin ako sa pinto at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Carl. Agad namang naghuramentado ang puso ko. Pata bang gustong kumawala. Jusko! Ano na ba ang nangyayari sa mundo?

Agad akong umiwas nang tingin kasabay rin nito ang pagpasok nang isa naming kaklase na nagsabing wala raw si ma'am dahil may biglaang meeting raw sa para sa magaganap na Junior-Senior Promenade. Naloloka na ako. Hindi pa rin ako prepared. Wag na kaya ako umattend? Wala namang gagawin dun eh. Tama di na ako aattend.

At dahil wala naman si ma'am ay as usual, naging magulo na naman uli ang mundo. Kanya-kanyang mundo, at ako? Ano pa ba? Edi earphones uli ang nasa magkabilang tenga ko.

Naalala ko naman bigla ang nangyari kanina lang. Ito na naman ang puso ko, parang gustong-gusto nang kumawala. Grabe! Para akong sasabog.

Nakaramdam ako nang kalabit sa likod ko kaya naman ay hinarap ko ito. Halos malaglag naman uli ako sa upuan ko nang makitang si Carl itong nasa harapan 'ko.

Tinanggal ko ang earphones ko dahil ramdam kong may sasabihin yata siya at kung ano yun? Dun ako kinakabahan.

"Camille, can I talk to you? " he asked.

"Mkay. Sure." I tried to sound cool kahit feeling ko ay nanginginig ang boses ko.

EarphonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon