37:HORMONES

7.7K 85 1
                                    

MICO's POV

"Niiiiiiiiccccckkkkk!!!!" Napasigaw ako. Antagal kase mag ayos. By the way, one week na din kaming maayos ni Nick. Kaya ko nga sya minamadali kasi pupunta kami ngayon sa OB-gyne ko para sa regular check up.  Pero ewan ko ba dun sa engot kong asawa ba't antagal talaga bumaba.

"Nick?! Ano?! Di ka sasama?!" Nakita ko syang nag aayos sa harap ng salamin.

"Anjan na hon, ang init ng ulo." Tsaka sya lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Tara?" Tuloy pa nya tsaka ngumiti sakin. Hayy. Ang gwapo ng asawa ko.

"Ewan ko sayo!!" Tsaka ako naunang lumabas ng bahay.

"Uyy.. baby naman! Ang bilis magtampo."

Naramdaman ko namang hinabol ako ni Nick palabas.

Pinagbuksan nya ko ng pinto ng sasakyan.

Tapos umikot sya sa kabila tsaka sumakay na din.

Habang nagmamaneho sya, nararamdaman kong panay titig si Nick sa akin.

"Nick, pag tayo nadisgrasya, mumultuhin talaga kita."

Natawa naman sya.

"Hehe. Hon naman, I love you." Tsaka nya kinuha yung kamay ko. Hindi nya yun binitawan habang yung isang kamay nya yung nagmamaneho.

"Same." Matabang kong sagot sa kanya.

"Hon naman! Sabi ko i love you. Walang namang ka feelings feelings yung sagot mu." Nahalata kong parang nagtatampo sya.

E bwisit yung hormones ko  e! Ang hirap macontrol.

Tinignan ko lang sya ng masama.

"Joke lang hon. Hehe. Ito naman. " tsaka nya hinalikan yung kamay ko.

Pagdating namin sa hospital,  agad naman akong pinagbuksan ni Nick ng pinto. Ang sweet talaga ng asawa ko. Kaya lang engot minsan. -_-

Wala namang naging problema sa baby namin. Nag reseta lang si Doc ng iba pang mga vitamins para daw mas healthy si baby.

Nagulat kami ng may biglang pumasok na nurse . Assistant siguro ni Doc.

Nakita kong ngumiti yung babae kay Nick.

Gumanti naman si Nick. Abaa!! Abaa!! Walang hiyang lalaki to!

"Ahem!" Kunwaring ubo ko. Napatingin naman yung babae sakin. Tsaka biglang nalukot yung mukha.

Abaaaaaa!

Akmang tatayo ako ng nagsalita si Doc.

"Mrs. Ramos, iwasan ang mastress ha. And call me if may problema. You may go." Bigla namang nafocus yung atensyon namin ni Nick ky Doc.

"Ok Doc. Thanks."

Tsaka na kami tumayo.

At nang dadaan na kami ni Nick sa Nurse, nagngitian na naman sila.

Waaaahh!! Mga bwisit sila! Lalo na yung engot kong asawa.

Bahala nga sya!!

Tsaka ako naunang lumakad. Iniwan ko si Nick.

Hinabol nya naman ako.

Pagkalabas ko, nagpara agad ako ng taxi tsaka sumakay. Hindi naka abot si Nick.

Bahala sya no! Ang lalandi nila! Bigla akong napahawak sa tummy ko.

Hayy baby. Ang landi ng tatay mu. Iwan na kaya natin?

Hahaha. Pero syempre joke yun. Haha. *^▁^*


**

Pagdating ko sa bahay, agad na kong pumasok sa kwarto. Hindi ako umiiyak. Naiinis lang naman ako sa asawa ko. May pa ngiti ngiti pa sya kanina.

Agad akong nagbihis at nahiga sa kama.

Narinig ko namang may kumatok.

*tok.. *tok.

"Hon? Buksan mo naman ang pinto.Ano bang problema natin?"

Narinig ko sa labas ng pinto.

Hindi ako sumagot. Nagtalukbong ako ng kumot. Bahala sya no!

"Mico, please naman. Open the door." Alam kong pinapakalma ni Nick yung tinig nya. Pero hindi parin ako sumagot.

Manigas sya! Ang engot nya! Tsaka ko sinubsob yung mukha ko sa unan.

"Mico!! Open this damn door!" Alam kong galit na si Nick.

E ano naman?! Bahala sya! Ang landi nya!!

After noon, hindi ko na sya narinig na kumatok. Nainis na siguro.

Bahala nga sya! Matutulog nalang ako.

Ng bigla nalang may yumakap sakin. Pero nakatalukbong parin ako ng kumot.

Paanu kaya sya nakapasok?!

Malamang may spare key! Sabat ng utak nya.

"Hon, sorry. Ano ba kasing problema?" Pinipilit ni Nick na alisin yung kumot sa mukha ko.

Di ako sumagot.

"Hon naman, ayoko ng away. I love you." Tapos yun, nakuha nya yung kumot sa mukha ko. Akmang hahalikan nya ako pero umiwas ako. Tsaka napabalikwas ako.

Narinig ko namang nagbuntong hininga si Nick.

"Mico, sabihin mo kasi kung ano yung problema. Hindi yung nanghuhula ako!"

Medyo napataas yung boses ni Nick. Tinignan ko sya ng masama.

"Ano?! You're so insensitive Nick! E kulang nalang kanina magharutan na kayo ng nurse dun sa hospital!" Nakita ko namang nagulat si Nick.

"Mico anu ba?! Alangan naman tarayan ko yung tao. Wala naman syang ginagawang masama a!" Depensa ni Nick.

"Ah! Basta!" Tsaka na naman ako ulit  nagtalukbong ng kumot. Pero inalis ulit yun ni Nick.

"Mico, talk to me seriously!"

"Bakit?! Mukha ba kong nagbibiro Nick?! Bahala ka nga!" Tsaka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Sinundan nya naman ako.

"What the hell Mico! Dahil lang sa nurse mag aaway tayo?! Wag ka masyadong childish!" Hinarap nya ako sa kanya.

E gag* pala to e!

"Sorry Nick ha!! BUNTIS KASI AKO!!" Tsaka ako pumasok sa cr.

Kumatok na naman sya.

Hayy. Nakakainis.

E kung sa kanya ko kaya gawin yun?! Ang engot talaga! Nakakabwisit!

"Hon? Labas kana jan. Sorry na po." Narinig ko si Nick sa labas ng pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Ano ba yan! Parang sumisikip yung dibdib ko sa mga nangyayari.

"Bahala ka! Lumayo layo ka muna sakin! Utos yan, kaya kailangang sundin!"Tsaka na ko lumabas ng CR. Dinaanan ko lang sya. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong doon.

**

Pagabe na, pero hindi parin ako lumalabas ng kwarto. Hindi na din nangulit si Nick. Ayaw siguro matulog sa labas ng bahay. Syempre slave ko parin sya.

Teka, parang ansarap ng chocolate cake na may blueberry jam.

Waaaahh! Bakit ngayon pa ako nag ke-crave?! Nag away pa naman kami ni Nick. T_T

Paano to?! Baka malungkot si baby.

——————————————————

A not-so-special Love StoryWhere stories live. Discover now