kabanata 13

258 32 1
                                    

Napabuntong hininga ako nang pagulungin ko ang maleta ko papasok ng bahay. Kakatapos lang isang international flight ko.

Sinalakpak ko ang mga gamit ko sa lapag. Binagsak ko ang likod ko sa sofa. Ako lang mag isa sa bahay ngayon. Nasa Baler si Kyl para sa out reach program na sinalihan nya.

"Shems..." Ilang beses kong pinukpok ang ulo ko nang maalala ko nanaman ang sinabi ni Mrs. B sa amin.

'Bakit ka naman kakabahan, may iba Ka na bang nararamdaman?'

Ngumiti ako. Para pagtakpan ang mabilis na tibok ng puso ko. Ilang beses kong pinanlakihan ng mata si Kyl nang akmang bubukas na naman ang bibig nya.

'Para k-kasing sinusumpa mo ako ih.' I laugh.

Marahan nyang hinaplos ang buhok ko. Nakangiti sya habang nakatingin saakin.

'Wag mong pigilan, kasi kusa mo yang mararamdaman——'

'Ma'am! Alam mo ba si Chloe manganganak na!' Sigaw ni Kyl.

Napabuntong hininga nalang ako nang magiba na ang usapan namin. Hindi ko na kayang tagalan pa ang usapan na iyon.

"Gutom lang siguro to..." I sighed.

Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa kusina. Ang alam ko lang tinitignan ko na ang loob ng stock.

Mariin akong napapikit, nang bumungad saakin ang kulay blue na lalagyan ng paboritong brand ng fresh milk ni Kyl.

"A-ayoko na pala ng gatas." I pout.

Hinablot ko ang isang bowl ng mga prutas. I cut some piece of those fruit into sizes. Nilagyan ko nalang 'yon ng chocolate syrup.

"Shems. Mababaliw ako pag wala akong kausap." I sigh.

Hindi ko namalayan na nagbihis ko na halos ng syrup sa bowl. Namilog ang mata ko ng mapuno na 'yon ng chocolate color.

I pout. Marahan kong pinunasan ang syrup na kumalat sa kamay ko. Ang lagkit.

Umupo ako sa salas pag katapos kong hugasan ang kamay ko. Kaharap ko ang laptop ko ngayon. Sa tabi niyon ay ang isang bowl na punong puno ng prutas na may sabaw na chocolate syrup. Shems.

"Hans Duran." I whispered to myself as I type it at the Google search bar.

Nilingon ko muli ang paligid bago tuluyang ni-enter 'yon. Buti nalang walang tao sa bahay nang ginawa ko ito. Kyl will use it against me. Lalo na inaasar ko sya lagi kay Colonel.

"Mutli Billionaire—" I sigh as I Read the first line. "—Owner of the most famous airline in the world. 29 Years old..."

I sigh. "Mas matanda nga sya saakin ng 4 Years."

Pinagpatuloy ko ang pag sesearch tungkol sa kanya. Hanggang na padpad ako sa instagram nya.

I gulp couple of times. "May Girlfriend na sya?"

Tanong ko sa sarili ko habang naka flash ang picture nya habang akbay-akbay ang isang babae.

Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko syang nakangiti habang katabi ang babaeng 'yon. Shems. Marahan kong hinaplos ang dibdib ko. Ano ba 'tong nangyayare saakin?

"Eh, ano naman kung meron na syang girlfriend—" Sinara ko na ang laptop ko. "Wala naman akong paki. Sino ba 'yun?"

Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang bowl ng prutas at sumandal na sa upuan.

Morii: Shield Of Anger (BS3)Where stories live. Discover now