Mystery / Thriller

225 3 0
                                    

A/N: Mystery of Thriller, more one decipher ito or mga bagay na hindi madaling ipaliwanag sa isang salita lang, like 'anong ginagawa mo?' you can answer that immediately pero ang genreng ito ay hindi tulad ng simpleng tanong na simple lang rin ang kasagutan, this genre is more on thinking, one of the example here is 'Project Loki' from AkosiIbarra if I am not mistaken? If mali pacorrect na lang po. 

Mention ko lang si Scolffolly for this chapter!!! Here it goes ateee..

1. Secrets of the Stranger

        - Hindi ito yung super mystery pero kayo na ang bahalang gumawa ng maraming twist if bet nyo, hindi ko kasi talga genre ang isang to pero para sa inyo ginawan ko ng paraan. Secrets of stranger, title palang alam mo nang puro pabitin ang magiging chapters mo kasi hindi mo pwedeng sabihin agad dito ang mangyayari sa unang chapter palang. For example, may pinaka worst na tinatago ang stranger na ito na kahit sino ay walang nakakaalam, and yun ang magiging mission ng bida, is to know what are the secrets that stranger's have, and pwedeng may koneksyon ito sa mga illegal na transactions.

2. Death of the Lynx

      - Lynx ay isang musang sa tagalog o kaya ay kalahi ng pusa or tigre, basta magkakamag-anak sila. Syempre alam natin na ang mga pusa ay may siyam na buhay, so expected natin na siyam din ang buhay ng Lynx na ito, so ang magiging twist ng story is dapat may 9 incident kung saan mababasa na ang Lynx na ito ay mababawasan ang buhay hanggang sa umabot ng isa na lang.

        For example, ang Lynx na ito ay nagkakatawang tao tuwing gabi at kailangang makabalik sa pagiging tao bago sumikat ang araw dahil kung hindi ay mababawasan ang buhay nito, at umabot na sa isa na lang ang buhay at kailangang kailangan nitong iligtas ang taong mahal nya, pero nag-iisa na lang ang buhay nya, syempre ang author ang mag-iisip kung gagawin nyang tragic or happy ending ito.

3. Clue of the Unclosed Case

      - Ito naman ang story na puro clues ang makikita sa karamihan ng chapters, like for example, ang pinaka unang chapter is about sa past na hindi na nila gustong isara pa dahil sa sobrang hirap gawan ng paraan at sa sobrang hirap humanap ng ebidensya kaya mas pinili nilang isarado ang kaso kahit hindi pa naman nasusubukan, and for how many years, saka lang nagkaroon ng isang tao na naglakas loob na harapin at hanapin ang mga clue na pilit tinatago sa loob ng mahabang taon.

4. Sacred Beast

      - Kilala ang apilyedo ng isang pamilya sa isang lugar sa bayan kung saan kilala ito bilang mga mangkukulam, pero hindi nila maintindihan kung bakit bigla bigla na lang nawawala ang mga ito. May isang grupo ng mga kababaihan ang naglakas loob na puntahan at pasukin ang tahanna ng pamilyang ito, pero nagtataka sila kung bakit napakaganda at napakasariwa ng mga bagay dito, kung titingnan mo ito ay parang lahat ng gamit dito ay bago, at dahil sa isang trahedya, nakulong silang lahat sa kwarto pero hiwa-hiwalay sila. Pipili ang kanilang anak naa lalaki kung sino sa mga ito ang papakasalan at kung sino ang napili nito ay mananatili itong buhay. 

5. Scarlet

      - Ito ay name ng magiging bida mo, syempre Scarlet for ladies diba, so it means babae ang bida pero depende sayo kung paano mo gagawing lalaki, pwedeng si Scarlet ay namatay sa isang aksidente at ang lalaking ito ang humahanap ng paraan para malaman kung sino ang may gawa nito at si Scarlet ang nagbibigay ng mga clue para mas mapalapit ito sa kaso at malaman ang tunay na may sala.

6. Mute Porter's Death

       - Panget pakinggan ang salitang Porter sa korea, dahil napanood ko na kapag tinatawag kang porter ng ibang tao it means 'Utusan?' Not sure ha, but medyo tragic dapat ang magiging ending na to. Dahil sa walang lakas ng loob ang bida ay magiging utusan sya ng mga ito, and sa hindi inaasahang pangyayari, ang grupo ng mga bully sa school nila ay nagsama sama para patahimikin ang bida at humantong ito sa kamatayan na sila lang din ang nakakaalam, at dahil hindi matanggap ng mga magulang nito at lalo na ang kapatid nitong nakakatanda, gumawa ito ng paraan para malaman kung paano at sino ang gumawa nito.

7. I married a Pygmy

      - Pygmy is a ethnic group na ang mga height nila ay hindi pangkaraniwan, ngayonang magiging twist dito ay, hindi kabilang ang asawa ng bida sa mga ethnic groups or even ang magulang nito ay hindi rin kabilang, kaya nagtataka sila kung bakit ito ganito. At nangyari lamang ito sa araw ng kasal nila, noong panahon na hindi sila kasal pa, normal ang height ng kanyang asawa, at noong panahon na kasal na sila, nagbabago ito. And pwedeng mangyari dito ay may pinapainom dito na kung ano ano na, gawan nyo ng paraaannnn! Nawalan na ako ng ideaaaa. HAHAHAH

8. Moving Scarlet Curtain

     - Bagong kasal ang mag-asawa, syempre kasal nga e means mag-asawa na. Pero dahil sa gagawa na sila ng sariling pamilya at bumili sila ng sariling bahay, ginawa nila ang lahat para mapunan ang bahay na ito, nagkaroon sila ng dalawang anak. At nagkataon na may ibinigay na napakagandang kurtina ang kapitbahay nila bilang pagwelcome sa kanila at agad namang isinabit ito ng babae sa kanilang salas, at tuwing gigising sila sa umaga, sa ibang lugar nakasampay ang kurtinang ito. Hindi nila malaman kung bakit pero yun ang gagawan mo ng sagot.

9. The Stolen Statue

       - Syempre dahil mystery ang genre mo, dapat maraming trial ang mangyayari, tulad nito, nasa isang museum ang bida at mahilig itong kumuha ng litrato dahil isa itong photographer at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita nya kung paano kinuha ang pinakasikat at pinakamatandang statue sa museum na ito. Nakuhanan nya ng picture pero nung time na dinala nya sa Police Station, walang naniniwala sa kanya, bakit kaya?

10. Mystery of the Falcon

        - Syemrpre ito na ang pinakalast kaya medyo iiksian ko na lang. Alam naman natin na ang falcon ay isang ibon, pero ang magiging falcon dito ay isa lamang codename ng isang tao, kilala ang mga codename na ito sa underground which is the Mafia, gangster or mahilig sa mga illegal transactions. At dahil sa matunog ang falcon na ito sa mga pulis, may humawak nito at nakilala mismo ang falcon na ito, pero hindi sya makapaniwala na ito ang hinahunting nila sa matagal na panahon, mag-isip kayo ng super twist kung paano malalaman ang katauhan ni Falcon.



___.___

Another chapter na naman poo!! Keep reading and if may questions kayo ulit about sa mga title and sa ideas, free to message me and I will answer all your questions.

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now