Panunumpa

77 8 1
                                    

   

    "Gabi-gabi kitang ipinagdasal sa Maykapal. Ikaw ang una't huli; Sa tamang panahon; Sa tamang pagkakataon."

  

   

     No Girlfriend Since Birth, o N.G.S.B.

  

     Nabuhay ako ng dalawampu't-apat na taon nang hindi pumapasok sa isang relasyon. Not by chance, but by choice. Marahil para sa iba, nakakatawa iyon. Imagine a guy as good-looking as me (sabi nila, pero actually, sabi ko rin)? Available and ready to mingle? Chose the single path? What?

   

     Ngunit para sa akin, balewala ang opinion nila sa landas na tinahak ko. I mean, naniniwala ako na kung sino ang una, siya na rin ang huli. Tapos. Gabi-gabi kong ipinagdarasal sa Maykapal ang babaeng itinakda para sa akin; Sa tamang panahon; Sa tamang pagkakataon.

  

     Para sa akin, may tamang panahon para sa mga bagay-bagay. Naniniwala ako sa signs, even if some of my friends find it silly. I'd rather give my first to the right person, at the right moment. Hindi ko kailangan ng perpekto dahil sa panahon ngayon, bihira na lang ang perpektong relasyon at ang perpektong ka-relasyon.

  

     Hindi ako napagod maghintay sa tamang signs. Hanggang sa dumating ang isang araw, at nakilala ko siya. Samantha Fernandez, 'yan ang pangalan niya.

  

     Hindi katangkaran, ngunit maganda; Hindi katalinuhan, ngunit masipag; Mapagmahal, ngunit laging iniiwan; Matapang sa panlabas, ngunit may pusong mamon. Nakilala ko siya sa panahong marahil ay ako ang taong hindi niya gugustuhin makakita. Or probably, doesn't want to be seen by anyone in general.

  

     Nakilala ba ang sinabi ko? Mali pala. Nakausap. Sa totoo lang, matagal ko na siyang kilala, sa pangalan at larawan nga lang. Schoolmate ko siya nong nasa kolehiyo pa lamang ako. Magkaiba kami ng college, pero matunog ang pangalan niya sa mga kaibigan ko, or marahil sa iba rin, dahil sa dami na ng napasukan niyang relasyon; Maling relasyon.

  

     Aaminin ko; Hindi ako interesado sa kaniya noon. I am one of the bastards who judged her just by rumors. Para sa akin, Samantha Fernandez was bad news. Hindi nagtatagal sa kaniya ang isang relasyon; Kung anong bilis niyang pumasok sa isa, ay siyang ring bilis niyang magpalit.

   

     At para sa katulad kong naniniwala sa pang-habang-buhay na relasyon, she's out of the picture.

  

     Kaya naman nang makita ko siya sa ospital kung saan nagta-trabaho ang kapatid ko, iisa lang ang pumasok sa isip ko; Trouble. Either she's in trouble, or seeing her there means trouble for me. That was probably the first time I've seen her in a close proximity.

  

     Nasa parte ako ng ospital kung saan may iilang pasyenteng tanging kurtina lamang ang naghihiwalay sa kanila at sa mga kamag-anak nila. Anong ginagawa ko doon? Well, I usually lounge around that area while waiting for my older sister whenever she wants to eat lunch or dinner with me.

  

     And at that moment, she is one of those patients in that area. Ngunit wala akong nakitang kamag-anak na kasama niya. I found out that she was there for a gynecologist.

 

     The old woman next to me leaned in when she saw me staring at Samantha. Bahagya akong napa-atras sa ginawa niyang iyon dahil sa gulat. I stared at her in confusion and she pointed at that particular hospital bed with puckered lips.

PanunumpaWhere stories live. Discover now