Chapter Three

9.9K 280 47
                                    

-Spencer POV-

"Sir you have a visitor." Bungad namang saad sa akin ng Secretary ko.

Uh? I didn't expect a visitor this day.

"Who?" I asked curiously.

"Mr. Alpha Garcia."

"Tell him to come in here!" Utos ko naman na agad niyang sinunod.

Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay siya rin ang pagbungad ng mukha ni Alpha.

"I'm here to give your money."

Bigla naman akong nagulat sa kaniyang sinabi, "Why?"

Sinundan ko naman ang paglakad niya papunta sa aking harapan. Tsaka niya linapag sa lamesa ang perang naka-sobre na nilalaman ng perang binigay ko sa kaniya kahapon.

"Ibabalik ko na sayo ang pera mo, I'm so sorry. Wala akong makuhang impormasyon sa asawa at kaibigan mo."

Kinuyom ko naman ang dalawa kong kamao, "What? How did it happen? Why can't you find any information of them?" Sunod-sunod na tanong ko kay Alpha.

"Ang alam ko lang, matalino ang nagtago sa impormasyon ng asawa mo at lalo na sa kaibigan mo."

"Sino naman ang magtatago ng impormasyon nila?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko rin alam Spencer. Pero sinisigurado ko sayo na matalino ang may gawa nito."

"Fuck it! Hindi mo ba kayang imbestigahan kung sino ang nagtago sa mga impormasyon ng asawa ko? Lalo na ang impormasyon ng kaibigan ko?" Inis na tanong ko.

Fuck! Nauubos na ang pagtitimpi ko.

"Sinubukan kong alamin kahapon pero wala akong nalaman. Masyadong matalino at magaling ang may gawa."

Pinaghahampas ko naman ang lamesa na nasa harapan ko ngayon.

"I need to go Spencer." Pamama-alam naman niya sa akin, ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Just accept this money."

"Pero wala akong nakuhang katiting na impormasyon man lang." tugon naman niya sa akin.

"Tanggapin mo nalang ang perang ito. Pasasalamat lang dahil naghanap ka pa rin ng impormasyon nila." Singhal ko pa, tsaka ko inabot ang perang nakasobre na nilapag niya sa lamesa kanina.

"Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya 'diba?" Kinuha naman niya ang pera na inabot ko sa kaniya. Tsaka siya ngumiti sa akin.

"Thankyou! Alis na ako." Pamamaalam pa niya, kaya tinanguan ko lang siya bilang pagsang-ayon.

Fuck! Ako na yata mismo ang kailangang humanap sa impormasyon noon ng asawa ko.

"Sir?" Narinig ko naman ang pagkatok ng Secretary kong si Laira.

"Come in!" Seryosong utos ko.

"Sir may——"

"Ikaw muna ang bahala rito Laira."

"Pero Si——"

"May kailangan lang akong puntahan. Pupuntahan ko lang ang lupa na nabili natin."

"Sir paa——"

"Ikaw na ang bahala rito, I need to go!" Singhal ko pa, bago tumayo at iniwan na siya roon.

Mabilisan ko namang pinaandar ang kotse ko papunta sa Urbiztondo.

Malinis na pala ang lugar na ito at napakatahimik din. Dahil siguro pina-alis ko na ang mga taong narito. Ngunit nakuha ng pansin ko ang isang flower shop na naroon.

Claiming Her Again (Completed)Where stories live. Discover now