DARE 5

35 0 0
                                    

ako > > O.O

"Hoy!! A-ano ginagawa mo dito sa room namin?"

"Bakit? Hindi ko ba pwede dalawin ang girlfriend ko?"

Mukha namang nabigla ang lahat ng mga kaklase kong nakapalibot sa'min.

"Waaah!! Taken na agad siya!" girl 1

"Ano ba naman 'yan! First day pa lang wala na tayong pag- asa." girl 2

"Nakakainis! Sana ako na lang." girl 3

"Mangarap ka na lang, girl." girl 4

At madami pa ang mga bulung- bulungan na rinig ko naman.

"Hoy..magtigil ka nga diyan. Eksena ka palagi alam mo yun." bulong ko dun sa lalaki.

Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya noh.

Haay. Pa'no ba 'yan?

"Oo nga pala. Hintayin kita mamaya sa parking lot ha. After class. Bye, babe." sabi niya sabay tayo palabas.

Pero bago 'yon, lumingon ulit siya sa'kin at kumindat pa.

Tch. May sakit ba siya sa mata? Yung mga babae naman...

"Waaahhhh!!!Ang gwapo niya talaga."

"Oo nga! Kung ako ang kinindatan niya baka mamatay na 'ko sa kilig! Ahhh!"

Sorry kayo dahil ako ang kinindatan at hindi ako mamatay sa kilig.

Ahehe. Konti lang. Gwapo pa rin non kahit papano noh. Hehe. Lumalabas kalandian ko dito e.

Aish! Tama na.

"Oy, Cass! Ano 'yun?" Lovely

"Boyfriend mo na yung gwapong yun?" Alex

RRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!!!!

Saved by the bell. Thank you sooooo much! YAHOOOOOOOOOO!!!!

"( _ _ ") Mamaya ko na ikukwento sa inyo. Lunch time."

Dumating na teacher namin.

After the boring classes, nag-lunch na rin kami. Dumiretso kami nina Lovely at Alex sa cafeteria at umupo sa favourite spot namin.

"Oy dali na Cass! Kwento na!" Lovely

"E hindi ka naman masyadong excited no. Teka lang. Gutom na kaya ako. Kain muna tayo." Sabi ko.

Umorder muna kami ng lunch namin at hindi ko na sasabihin kung ano yun dahil baka matakam lang kayo at isa pa...tinatamad rin ako.

Habang kumakain...

"Oy dali na Cass!" Lovely

"Oo na nga! Napaka-excited e."

At ngayon ay ikinu-kwento ko na kung ano ang nangyari sa bus kaninang umaga.

"Wow! Buti ka pa Cass may boyfriend ka na! Kaming dalawa ni Lovely forever alone." Alex

"Duh?! Sino ba gusto magkaboyfriend ng fake at dahil lang sa kalokohan niyong dare na 'yan? Not me."

"Sus! Hoy Cass! Magtigil ka diyan at alam naman naming gusto o rin 'yan. 

Tsaka ang gwapo kaya ni...ano ba pangalan nung gwapong 'yun?" Lovely

"Aba! Malay ko! Hindi niya naman sinabi sakin e. Not my fault."

"Ano ba naman 'yan! Bf mo pero hindi mo alam kung ano pangalan?"

"Excuse me. Fake BF. Oy! Wag niyo sasabihin sa iba ha. Kayong dalawa lang sinabihan ko. Pag nalaman niyang sinabi ko sa iba naku! Lagot ako dun sa mafia niya."

DARE to LOVEWhere stories live. Discover now