Chapter 3

1.2K 27 1
                                    

Jema's POV

Nag dismissed na si Ms. Reyes pero Hindi pa ako natayo kasi inaantay ko muna lumabas yung iba, ayoko kasi makipag unahan lumabas. Ng wala na masyado tao ay tumayo na ako at lalabas na narinig ko na may nag text sa akin kaya hinanap ko yung phone ko kaso biglang may nabangga ako habang papalabas ng room. Susungitan ko Sana kaso ako yung di tumitingin sa dinadaanan kaya mag sosorry na lang ako.

"Sorry" Sabi ko. Ang sakit ng pwet ko ah Hays. Napaupo kasi ako eh. Tinignan ko naman yung nabunggo ko. Ay si cutie pala. Ang landi jemalyn  ah hahaha pero bakit kaya sya nakatulala? Siguro nagandahan sa akin hahaha chos lang.

Bigla syang natauhan nung kinuhit sya ng kasama nya.

"Deans ano nangyari?" Tanong nung kasama nya pero di nya pinansin at Dali Dali nya ako tinulungan tumayo. Ay ang gentlewoman naman hihi.

"Ahm sorry, are you okay miss?" Tanong nya sa akin habang inaalalayan ako tumayo.

"Okay lang ako, salamat" Sabi ko sabay ngiti ng konti, nahihiya kasi ako.

Ay Btw I'm Jessica Margarett Galanza. My family is in the top 2 multibillionaire world wide. But kahit na mayaman kami gusto ko pa din na magsikap you know maging independent haha. And meron ako business na coffee shop, ang pangalan ng coffee shop ko is JG coffee shop.
(A/N: sorry wala ako maisip na pangalan eh hahaha)

"Sorry talaga miss, I wasn't looking where I'm going kasi eh" Sabi ni cutie. Shh lang kayo crush ko sya hihi.
Ang cute nya hihi.

"Okay lang talaga" Sabi ko.

"Ahm Deanna nga pala" Sabi nya sabay abot ng kamay para makipag shake hands.

"Jema. Jema Galanza" Sabi ko sabay abot ng kamay at ngiti sa kanya hihi. Lambot ng kamay nya hihi. Landi jemalyn haha

Nakatulala sya ng biglang binatukan sya ng kasama nya haha cute nya talaga.

"Tulala ka na dyan Deans hahaha" Sabi nung kasama nya hehe di ko pa kasi sila kilala

"Aray ate bei" Sabi nya sabay tingin sa kasama nya. Tinignan ko din yung mga kasama nya at nakita ko na nandun din Pala si ate Jia at nakangiti na pang asar. Namula naman ako kasi nahihiya ako at hawak ko pa din ang kamay ni Deanna kasi ano ang lambot talaga eh sarap hawakan hahaha.

"Oy baby Deans nakita mo lang yan si jema di mo na ako pinansin tska malambot ba kamay ni jema ha baby Deans? Hahaha" Asar ni ate Jia kay Deanna sabay batok. Aww kawawa naman Bb ko hahaha chos Bb agad. Harot ko hahaha

"Ay sorry jema" Sabi nya sabay bitaw. Aww gusto ko pa hawakan kamay nya eh haha

"Magkakilala kayo ate jia?" Tanong ni Deanna kay ate Jia.

"Oo magkakilala kami kasi magkateam kami sa volleyball ni jema" Sabi ni ate Jia at ngumisi kay deanna. Hala bat kaya ngumisi si ate jia. Nako baka may binabalak to.

"Ahm te Jia magkakilala kayo?"tanong ko kay ate Jia.

"Oo je. Sila yung sinasabi ko na mga kababata ko" Sagot ni ate Jia. Ahh sila Pala yung kinukwento nya sa amin dati.

"Excuse lang guys ah pero pwede Kain muna tayo kasi kanina pa ako nagugutom eh" Singit ng kasama ni deanna.

"Sige Tara na. Ahm jema sabay ka na samin kumain treat ko pambawi ko sa nangyari kanina" Sabi ni deanna habang nagkakamot sa batok nya. Hihi cute

"Hmm... Ano okay lang Deanna. Okay naman ako eh" Tanggi ko sa panlilibre nya kasi nakakahiya hehe.

"I insist please" Pagpilit nya sa akin. Mukang wala ako magagawa ah sige na nga papayag na ako.

Unexpected Expectations || Jeadean GaWongWhere stories live. Discover now