CHAPTER SEVEN

11.2K 257 5
                                    


"BAKIT kasi hindi ka nag-insist na sumama?" tanong ni Rye sa kanya nang lumabas silang apat nina Lee at Marigold. Nasa isang bar sila sa Metrowalk.

"Kasi nga hindi naman niya ako niyaya," sagot niya.

"Lagi mo yata kasi siyang tinatanggihan before kaya hindi na siya nag-attempt this time." Si Marigold ang nagsalita.

"Well, sa Boracay niyaya niya ako last month pero hindi naman nga kasi puwede dahil may special issue tayo sa magazine di ba? Deadline ang kalaban!"

"Have you slept with him?" Rye wanted to know. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pamumula ng pisngi.

"Anong klaseng tanong yan?"

"A perfectly valid question," sabad naman ni Lee. "I mean parehong valid ang tanong niyong dalawa. So ano nga, Shane? Tell us."

Hindi agad siya nakasagot. Ilang beses na rin naman talaga siyang muntik matukso kay Mark- after all, the guy was insanely gorgeous. Pero lagi siyang inuunahan ng takot. Dahil nakatingin sa kanya ang tatlong kaibigan ay napainom siya ng tubig ng wala sa oras!



"Oh my God. Hindi niyo pa ginagawa?" Marigold was holding her wine glass- hindi naituloy ang pag-inom dahil sa narealize. "Nagpaka-conservative ka?"

"That answers everything darling!" wika ni Rye. "Baka nawawalan na siya ng gana sayo dahil pa-virgin ang drama mo! You can't keep a man like Mark without the sexual side. He's an animal... a very sexy animal!"

"Ang OA mo naman, Rye! Para bang ang laki ng kasalanan ko."

"Ay naku, ayaw mong maniwala, bahala ka!"

"Alam mo Shane, sa lahat ng nakilala kong lumaki abroad, ikaw na yata ang pinaka-conservative!" wika ni Marigold. "I can't believe you've been going out with the guy for a while now pero wala pa rin palang nangyayari."

"Ano ba kayo. Mortal sin ba na wala pang nangyayari sa amin ni Mark?" Kahit papano ay nasaktan siya sa naririnig sa mga kaibigan. "Kelangan ba talaga na ibigay ko ang sarili ko sa lahat ng maging boyfriend ko?"

Hindi nakaimik ang tatlo. Nagtinginan ang mga ito. Si Rye ang unang nagsalita.

"Well it's refreshing to know may natitira pang tulad mo, my dear. At least, may pag-asa pa ang bayan."

"What do you mean?"

"Buhay pa si Maria Clara. Ang kailangan na lang nating hanapin ay si Jose Rizal."

Hindi nakatiis si Lee sa tinuran ni Rye- napahalakhak ito ng malakas. Sinundan ni Marigold. Pati si Rye ay napatawa na rin kaya naman nahawa na rin siya. Soon they were laughing so hard, lahat tuloy ng mga tao sa kabilang table ay nakatingin sa kanila.



NANG bumalik mula sa Misibis Bay si Mark ay naisip ni Shane na sorpresahin ang lalake sa condo nito. Sa Greenhills lang naman nakatira si Mark kaya madali lang puntahan. May dala pang Chinese food ang dalaga, pina-take out niya para sabay silang magdinner ng boyfriend.

Naka-apat na pindot na siya ng doorbell pero wala pa ring nagbubukas. Impossible namang walang tao dahil ang sabi ng guwardia sa lobby ay nasa itaas si Mark. Kilala na rin siya maging ng receptionist. Ikalimang pindot niya sa doorbell nang magbukas ang pinto. Agad niyang niyakap ang lalake nang makita niya ito. In fairness ay na-miss niya ang boyfriend!

"How was your trip? Look, I have Chinese food for us!" Itinaas niya pa ang bitbit na supot.

"Hey honey! This is a surprise!" Saka lang niya napansin na nakatapis lang ng tuwalya ang lalake at basa pa ang buhok.

The Cavaliers: TRISTANDär berättelser lever. Upptäck nu