Chapter XXIII

59 7 18
                                    

23.

As Eren let me, hindi na 'ko nag-dalawang isip pa na lumabas ng souvenir's store. I took a deep breath as I step outside. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tumitibok ito sa masakit na paraan.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila. Pero habang ginagawa ko 'yun, may mga pumasok na pangongontra sa isip ko...

Paano kung barahin ka lang niya, Sakura? Paano kung sabihin niya na wala kang pakialam sa kung sino ang babae na 'yon? Paano kung makakaistorbo ka lang sa kanila? Paano kung may espesyal siyang nararamdaman doon?

That stop me on my tracks.

I unconciously gripped my hand into fists. I feel like something was jabbing into my heart. Nasasaktan ako pero hindi pwede.

Humugot muli ako ng malalim na hininga bago maisipang tumalikod at bumalik na lang sa souvenir's store. Ang tanga ko lang dahil kung kailang nasa labas na 'ko, saka ko pa maiisip na magpapakita ako para lang doon. Wala naman akong karapatan. Ang misyon ko ay panatilihin siyang buhay, hindi pa-ibigin sa akin, hindi para magselos ako.

Tama. I should go back to Eren...

"Sakura."

Nakakadalawang hakbang palang ako pabalik nang bigla kong marinig ang boses ni Sage at higitin ako sa pulsuhan. When I turned to looked at him, an evidence of surprise was shown in his jet-black eyes.

Maybe he was surprise that I'm here? Probably.

"Mind if you come with me?" He asked as his expression turned into blank.

I blinked somewhat confusedly, "What? Where?"

"Kahit saan."

Hindi pa ako nakakapag-react nang hatakin niya na ako sa kamay at lumayo sa pwestong 'yun. Gustuhin ko mang lingunin ang babaeng kasama niya ay hindi ko na nagawa sa bilis ng paglalakad ni Sage. Hindi ko tuloy maiwasang isipin... tinatakasan niya ba iyon?

"P-Pero ‘di ba may kasama ka?" Tanong ko sa gitna ng paglalakad namin. "Hahanapin ka no’n! But wait, you said she was just a passerby, didn’t you? Why are you two dating---"

Huminto kami bigla at sinalubong niya ako ng masamang tingin, bagay na kinataas ko ng dalawang kilay.

"Don’t say that again. It’s disgusting." he retorted in a sharp low voice.

Hindi na ulit ako nagsalita nang muli na naman niya 'kong hatakin sa kamay at dalhin sa tapat ng isang malaking hall na narito lang din sa loob ng theme park. Dire-diretso si Sage doon hanggang sa makapasok kami. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na nasa loob na kami't nakalayo na sa pinanggalingan.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang matapat kami sa mga paintings na may iba't-ibang disenyo.

Binitawan ako ni Sage. Namulsa siya at nilagay ang paningin sa mga paintings na nasa kabilang banda naman, tila pinagmamasdan ang ilang mga nakaguhit na alitaptap dito. Maang akong napahawak sa dibdib ko, malakas ang tibok nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'ko tinangay.

"Sage," mahina kong tawag sa kan'ya.

Love, SakuraWhere stories live. Discover now