Chapter 2

54 3 0
                                    

"I'm sure she's Aura Gianna.." mahinang ngunit may diing sabi ni Gabriel sa kapatid habang nakatanaw sa labas ng kanyang penthouse. Hawak ang isang wine glass sa kaliwang kamay habang nakapamulsa naman ang kanang kamay.

"Come on Gabriel! It's been 10 years since Aura died!" May galit sa tinig na sabi ni Gianna sa kanya. "Nakikiusap akong huwag mong dumihan ang alaala ng matalik kong kaibigan kung ayaw mong bumalik tayo sa dati!" Sa pagkakataong iyon ay may banta na sa tinig ng nakababatang kapatid.

Since the death of her bestfriend ay nagbago ang relasyon nilang magkapatid. Somehow alan niyang siya ang isa sa sinisisi nito sa pagkamatay ng matalik na kaibigan. King namatay man nga ito, ngayon ay may alinlangan na sa puso at isip niya mula ng makita ang doctor na nagopera sa pinsan nilamg si Aldrich.

"Gianna..I'm telling you that Aura is alive! I saw her, paano ko dinudumihan ang alaala niya?" May inis na baling niya sa kapatid.

"You know that's impossible Gabriel! I was there! I saw how-" biglang may bumara sa lalamunan ng kapatid na nakapagpatigil sa dapat nitong sasabihin. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang may namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ng kapatid. The pain in her eyes are visible. Tiningnan siya nito ng may pait sa mga mata bago nagpatuloy. "I saw how she went down with that car in the cliff Gab." Tears already falling down her cheeks sa pagbabalik alaala sa nakagigimbal na araw iyon sampung taon na ang nakalilipas. "I saw her burned body." Patuloy nito na nanghihinang napaupo sa malapit na pang isahang sofa. "Kaya imposible ang sinasabi mong buhay pa siya!"

Gusto niyang pagsisihan na sinabi niya ito sa kapatid. Alam niya kung gaano kamahal ng kapatid niya ang namapayang kaibigan. Kapatid na ang turing ni Gianna kay Aura, hindi batid ng kapatid niya ang agwat ng katayuan sa buhay ni Aura sa kanila. Paaral ng mga magulang nila si Aura na anak naman ng mag-asawang katiwala ng mga magulang nila sa Asyenda El Greco. Magkasing gulang sina Gianna at Aura at sabay na lumaki. Mabait si Aura at malambing kay Gianna kaya naman halos ang mga ito ang laging magkalaro dahil apat na taon din ang tanda niya sa mga ito.

When Aura died in that car accident siya ang sinisi ng kapatid dahil inisip nito na siya  ang dahilan kung bakit piniling umalis ni Aura ng San Andres ng araw na iyon. But she didn't know his heart died in that very same day..

February 2008

Mabilis na naglalakad si Aura sa corridor ng paaralan nila. Malapit ng magsimula ang usang klase sila at malilate siya kung hindi siya magmamadali. Doon lubos niyang magsisi kung bakit hindi pa siya sumabay sa sasakyang ng matalik na kaibigang si Gianna. Kung bakit pinairal niya ang hiya na makasabay sa iisang sasakyang ang kapatid nitong si Gabriel Thaddeus na siyang nagmaneho ng sasakyang ng mga ito. Tuloy ay para siya ngayong hinahabol ng mga nagwawalang kabayo sa bilis ng kanyang pagtakbo.

Pagliko niya sa pasilyong patungo sa kanilang silid aralan ay nabungo siya sa isang malapad na dibdib kaya biglang siyang bumagsak sa sementadong sahig ng corridor. Sa lakas ng pagkakabunggo niya sa taong nasa harap ang malakas ang naging bagsak ng puwitan niya sa sahig. Medyo napa aray pa siya ng piliting tumayo. Nagaaalala na baka isang teacher nila ang nabangga niya ay tiyak na mapapagalitan siya. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtakbo sa corridor ng paaralan upang maiwasan nga ang mga ganoong aksidente. Pero ito siya ngayon at sa malas ay naka aksidente nga.

Sa nanginig na boses at nakayukong ulo ay humingi siya ng paumanhin sa inaakalang guro.

"S-sorry Sir! Nagmamadali lang ho talaga ako at mahuhuli na ako sa unang klase ko." Mabilis na paliwanag ng dalaga na hindi tumitingin sa nakabangga niya. "H-hindi na h-ho ako uulit, pangako po!"

"Are you hurt?" Bagkus ay narinig niyang sabi ng lalaking nabunggo niya. At nanigas siya ng makilala ang boses ng kaharap, hindi ito guro kundi estudyante ring kagaya niya. Nga lang hindi ito nabibilang sa High School department dahil nasa kolehiyo na ito ng naturang paaralan din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second Chance In LoveWhere stories live. Discover now