Wakas

372 12 4
                                    

Phillip's POV

We're heading to the airport. Kasama ko si Raiza dahil uuwi na kami ng Pilipinas. After 5 days of staying here, I guess this is the right time to say goodbye.

Dalawang araw na ang nagdaan mula noong huling bisita ko kay Leslie. The day that I hated the most. The day that I finally let her go. Sobra akong nasaktan nung nakipaghiwalay siya sa akin. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin alang-alang sa ikasasaya niya. That was my first heart break.

Damn! It hurts!

Flashback...

After we talked, lumabas akong luhaan sa silid ni Leslie. Hindi ko akalaing kaya niya akong paalisin nang ganoon-ganoon lang. Ang sakit.

Nasasaktan ako pero alam kong mas nasaktan ko si Leslie. Damn this!

Nakita ko si Raiza sa labas na nakasandal sa pader, si Daphne at kasama niya si Tita Lielina. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin ito sa pag-agos.

"Let's go," pagyayaya ko kay Raiza. Pero hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay nagtanong si Daphne.

"Sino siya?" Tinutukoy niya ang kasama ko, si Raiza.

Hindi ko siya sinagot at hinila na si Raiza paalis doon. Umiiyak na ako sa sakit. Fuck! Hindi ko kaya ito!

Agad akong napahinto sa paglalakad nang magsalita si Tita Lielina.

"Salamat sa pagbisita, Phillip. Hinintay ka talaga ni Leslie."

Natigilan ako at tahimik na umiiyak. Pinipigilan kong wag humagulgol dito. Dati wala lang sa akin ang salitang "hintay" pero ngayon ay ang sakit-sakit nang  pakinggan ng salitang 'yon. Ang sakit.

Masakit dahil 'yon ang salitang pinanghahawakan ni Leslie habang wala ako sa tabi niya. Ang salitang dumurog sa puso ko.

Hindi ako nagsalita at naglakad paalis. Naramdaman kong tahimik na sumusunod si Raiza sa akin. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari at mabuti na lang nanatili siyang tahimik dahil kung hindi ay hindi ako na alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.

"What happened? Why are you crying? Did you talked?" Tanong niya.

"Please, let's not talk about it." Bumuntong-hininga ako at hinihilot ang sintido ko.

"Okay."

Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya (bilang tao) ay ang pagiging masunurin niya.

"Mauna ka nang umuwi." Sambit ko. Napalingon siya sa akin.

"But why?"

"May pupuntahan lang ako. Take a cab, I'll use my car." Sambit ko sabay halik sa pisngi niya. Kahit labag sa loob kong gawin 'yon ay ginawa ko pa rin. Fuck this reasons!

Nang matapos kong ipara ng taxi si Raiza ay agad akong dumiretso sa kotse ko at pinaharurot ito. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong damhin ang pagkasawi ko. Gusto kong bigyan ng oras ang saliri ko dahil sa kanila na lang umiikot ang oras ko.

Pumunta ako sa bar at plano kong magpakalasing ngayon. Kahit ngayon lang...

"One Jack Daniels please," hingi ko doon sa bartender. Agad naman niya akong binigyan at diretsong nilagok 'yon. Ang pait!

Nakailang baso na ako ng alak at namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang umiinom ako. Drinks bring back the memories as fuck!

Naalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si Leslie and fuck ang sakit balikan! Parang kailan lang mula noong sinagot niya ako. Parang kailan lang mula noong naging first kiss ko siya. Parang kailan lang mula noong sinurpresa ko siya sa aming first monthsary namin. Parang kailan lang ang lahat.

Officially Yours (COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now